ng gayong inga tauhan; mga taong nababalot ng hiwaga na
nakapamumuliay nang mariwasa sa kakaunting sinasahod nila.
Tungkol sa Guwardiya Sibil ay alam mo na ang mga dakilang paglilingkod na nagagawa ng katatagang ito, at kakaunti lamang ang maaaring sabihin ko pa sa iyo. Ang koman dante ng Guwardiya Sibil sa bayang ito'y isang taong matalino, marunong mamuhay; kung siya'y nangangailangan ng karne at iba pang mga bagay para sa hapag, ay nakikipag-unawaan kay Clibano; kung walang pulot-pukyutan o palay, ay tumutungo sa bahay ng kapit-bahay; kung nais niya ng mga manok at itlog, ay binibigyan niya ng apat na sikapat ang tanod upang ito'y mamili sa bukid at may mahigpit na utos na mag-uwi ng dalawang dusenang manok at sandaang itlog; kung may ninanasang ipabili sa Maynila, ay nagmamatyag kung sino sa mga kapit-bahay ang sawing-palad na tutungo roon upang magbilin sa kanya ng napakaraming bagay at iuwi ang nga ito nang walang kaanu-anumang bayad; kung baga nangangailangan ng apog, bato, baldosa, at laryo, at iba pa, ang lahat ng ito'y masagana sa (pinagpalang bayang ito; sa wakas, kung nangangailangan ng mga utusang maglilinis ng bahay niya, ay madali niyang nalulunasan ito, pinaglilibot niya ang isang guwardiya tuwing umaga upang dumakip ng anim na tao, may sedula o wala man, upang gumanap ng paglilingkod na ito; ang utusan sa bahay na kaharap, ay pinigil nila roon nang buong maghapon, (kaipala'y hindi pa pinakain); nagkanggagalitang panginoon, at humingi sa Gubernadorsilyo ng isang patotoo tungkol sa gayong pagmamalabis, at ang Gubernadorsilyo, sa dahilang may utang sa kanya, ay hindi tumanggi, datapuwa't humingi ng paumanhin at tumahi tahi ng isang pagdadahilan; nagsadya sa Tininti Mayor, at ito, gaya rin niyaon ay humingi ng paumanhin at maraming dinadahilan; kaya ang kapit-bahay ay napilitang makipagkasundo. Ang mga pagmamalabis ay nagpapatuloy hindi dahil sa gayon ang ninanais ng mga naghahari-harian, kundi sa dahilang iyo'y tinutulutan ng mga inaapi (Voltaire). Kaya ng bigyán si Alejandro (ng Rusiya) ng bansag na Bendito, sa Gubernadorsilyong ito'y ibininyag naman ang bansag na "Kapitang totoong napakabait," ang tunay na pangalan niya'y Luis Fransés, bagaman walang wala siya kahit bahagya ng pagkagayon. Ang Tininti Mayor ay si Nicolas Llamas, na bagaman bilugan ang katawan, ay pa-