Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/351

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito



minsa'y nauubos ang pagtitiis niya, datapuwa't ito'y nangyayari sa komulgatoriyo lamang, na madalas siyang magalit sa panga- ngaral sa mga nakikinabang araw-araw, na hindi ibinubuka halos ang bibig o kaya'y tinatakpang mabuti ng lambong. Ang kura, bilang mamamayan ay hindi nanghihimasok sa mga ga- wain ng Tribunal, at lalong hindi nagpipilit sa kalooban ni- ya, at hindi siya nangangailangan ng mga dalaga gaya ng pi- nagkaugalian; sa anu't anuman ay nariyan ang isang paring isang napakabihirang kataliwasan sa Klero. Tungkol kay P. Dogo ay iba nang bagay, totoo nga't hindi pa siya pipilay-pilay gaya ng iba, datapuwa't ikinasisiya niya nang gayon na la- mang na siya'y maligid ng mga babaing kasapi sa kapisanang dominiko, na parang isda sa tubig, nag-uudyok sa mga pag- titipon at kainang hindi maaaring daluhan ng mga di-kasapi, at ang layon ng lahat ng ito'y upang matamo sa lalong pinaka- madaling paraan ang kalangitan; ipinangangaral niya ang pag- kadalaga d perpetuam (ganap at hanggang sa kamatayan) gaya ng sinusunod nilang mga pari sa lahat ng mga babaing kinu- kumpisal niya, at sakaling may isang tupang kinulang-palad na maligaw sa gubat, ito ay pinababayaan na niyang matangay ng demonyo at hindi na niya pinagkakaabalahan; dumadalaw siya gabi-gabi sa mga babaing kinukumpisal niya, upang sila'y masdan o bantayan; para sa paring ito, gaya ng namamalas ko, ang lahat ay pawang buhay, pagkilos at kabataan, samanta- lang sa nauna ay ang katandaan, ang pananahimik at ang pag- kakaligpit.

Sapul ng kahuli-hulihang pagbabago ay nawala ang tung kulin ng mga Alkalde Mayor na hinalinhan ng isang Guber- nador Sibil at isang Hukom ng Unang Dulugan sa bawa't lalawigan. Ang sa lalawigang ito'y isang ginoong napakatand na, sinasabi ng ilan na siya'y matuwid, at si asabi naman iba na hindi gayon, sa ganang akin, ay hindi ko siya nakikilala; minsan ko lamang siyang nakita buhat sa ating durungawan nang siya'y patungo sa bahay ng Asiyenda; kung siya'y hu mihingi sa mga Gubernadorsilyo ng buwanang abuloy o nag papahintulot ng sugal (sabong o baraha) sa ilang bahay sa ilalim ng pasubaling ang mga ito'y magbabayad ng malaki, ay hindi ko napag-aalaman ang bagay na ito. Tungkol sa Hukom, ang lahat ay tumitiyak na siya'y matwid, bagay, na para sa akin, ay isang malaki nang bagay; sa dahilang siya ay halos wa lang panahon upang lumagda, ginagawa niya ang paghatol sa pamamagitan ng mga "oficial de mesa"; maging si L'Hopital

ay makagagawa ng mabibigat na kabuktutan sa pamamagitan

—325—