mahirap namang maunawaan. Tungkol sa pagbabago ng kati-
tikan, ay hindi ako makapangalias na gawin iyon. Sapat na
ba ang ngalan ng isang tao upang pagsumundan, gaya ng pag-
sunod sa kapangyarihan ng isang Surian? Tatanggapin kaya
ng lahat? Nag-aalinlangan ako datapuwa't kung maaaring
maipasok ang pagbabagong ito'y panahon nang iyo'y gawin,
sa dahilang kinukulang pa ang Tagalog sa mabubuting mga
aklat. Sa harap ng saling ito ay sinimulan kong muli, katu-
long ni Kapitang Matias, ang "M. Eduardo," at ang pama-
maraan ng pagsasalin ay binago, ang pagsasalin ay iniayon sa
mga salita kapag ito'y mauunawaan, at ginagawang malaya na-
man kapag iyon ay may kalabuan datapuwa't hindi lumalayo
kailanman sa kahulugan.
Hinihiling mo sa aking balitaan kita tungkol sa Kura, at iba pa, kung ako lamang ay may mabuting panitik ay kay- ganda sana ng paglalarawang magagawa hinggil sa mga iba't ibang paksang ito; datapuwa't sa kasawiang-palad ay wala ako niyon, kaya masiyahan ka na sa ipinagkaloob sa akin ng Diyos; at upang huwag kang bigyan ng alingasngas ay magsisimula ako sa kura, na ayon sa sinabi ko na sa iyo sa isa sa aking mga sulat, ay isang mabuting pari na namumuhay nang tahi- mik, nag-iisa sa kumbento niya, nagkakawang-gawa sa mga maralita, kumakain ng anumang ihain ng kanyang mga utu- san nang hindi nagpapahalata ng anumang sama ng mukha, kahit na ang pagkain ay di-mabuti at kakaunti; siya'y kaaway ng pagdalaw sa mga bahay-bahay, at kapag lumalabas sa kum bento ay walang ibang tinutungo kundi ang simbahan at buhat sa simbahan ay umuuwi agad sa kumbento, ang buhay niya'y totoong napakayano, at may ilang araw na ang nakararaan ay tumungo siya sa bukirin, kasama ng isang munisilyo, upang sa pamamagitan ng pagdarasal ay itaboy ang ulap ng mga luktong umuubos sa mga pananim namin; marami ang nagpa- patibay na nakita nilang nangagliparan ang mga lukton dahil sa pagdarasal na iyon, datapuwa't bah! ang luktong may matigas na ulo ay hindi nakauunawa ng wikang latin o marahil ay may sinusunod na ibang kapangyarihang lalong malakas kay sa dasal, sa dahilang ang totoo ay nagpatuloy sa pagsira nang gayon na lamang na ang karamihan ay naiwan nang walang kabinhi-binhi; hindi siya nagpapakilala ng anumang pananabik sa mga makabagong pagsulong at sa agham, hindi dahil sa kaisa siya sa diwang nagbibigay-sigla sa mga kabaro niya, kun- di dahil sa ayaw niya. . . (Ang bahagi ng sulat ay kinain
ng mga maliliit na hayop at hindi na mabuo) at paminsan-