Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/343

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


95. Buhat kay Silvestre Ubaldo para kay Rizal




Salapi para sa pensiyon at para sa "Noli". Huwag umuwi
hanggang hindi nakatatanggap ng sulat ni Paciano.


Santa Cruz, Maynila
Ika-29 ng Nobyembre, 1886


GINOONG JOSE RIZAL

MINAMAHAL KONG JOSE:


Ipinadadala ko sa iyong kalakip nito ang isang kasulatan ng pagpapalitan ng kuwalta sa halagang tatlong daang piso, na iyong sisingilin sa bangko sa Berlin; datapuwa't sinabi sa akin ng bahay na nagpadala ng kasulatang iyan na masisingil mo raw doon sa Leipzig, sa dahilang hindi raw maaaring hindi magkaroon ng kaalam sa malaking bayang iyon. Ganito ang ginawa ko upang huwag mabawasan nang malaki bilang kabayaran sa mga pagpapahiro, gaya ng inaakala kong nababatid mo, na ang pagpapadala ng pera sa iba buhat sa isang pook ay nababawasan ng halaga; isulat mo sa akin kung ang paraang ito'y minamarapat mo, o kung aling paraan kaya ang lalong matipid at madaling masingil, at siya kong gagawin sa panahong hinaharap, nang makarating sa iyo sa loob ng madaling panahon, at kung maaari ay huwag nang magdaan pa o makaabala kay Ginoong Luna.

Ipinasasabi ni Paciano na huwag ka raw gagawa ng anumang kapasiyahan tungkol sa pag-uwi mo sa Pilipinas, hanggang hindi ka nakatatanggap ng sulat niya, bagay na hindi magtatagal. Sa halagang ipinadala sa iyo, ang sandaang piso ay para sa iyong buwanang pensiyon, at ang dalawang daan ay para sa gugol ng iyong akda at mga damit na pantaglamig.

Ang ina ni Hidalgo ay namatay noong ika-15 ng buwang kasalukuyan. Sina Nanay at Trining ay naparito sa Maynila

—317—