Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/340

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


94. Buhat kay Rizal para sa kanyang kapatid
na Saturnina at bayaw na M. T. Hidalgo




Daang Jager, 71-III, Berlin,
Ika-11 ng Nobyembre, 1886.


G. MANUEL T. HIDALGO AT
GNG. SATURNINA RIZAL NI HIDALGO.


MGA MINAMAHAL KONG KAPATID:


Bagaman lahat halos ng balitang masasabi ko'y naisulat ko na sa ating mga magulang, gayunma'y hindi ko inaakalang dahil dito'y malaya na ako sa di pagsulat sa inyo. Gaya ng dapat na ninyong malaman, naririto ako ngayon sa Alemanya at naglilibot sa mga siyudad at mga bayan, dinadalaw ko ang lahat ng mga paaralan pati ng sa mga bayan-bayan, dinadalaw ko rin ang mga parokya, ang mga simbahan, at hanggang sa matapos kong makapakinig ng isang sermon ng katoliko ay nagtutungo ako sa isang simbahang protestante upang makinig din ng kanilang mga pangaral, at kung minsa'y naparoroon ako sa Sinagoga ng mga hudyo; lahat na ng makapagtuturo sa akin ng kaunti upang maipasok ko riyan sa Pilipinas ay aking minamatyagan dito; may ilang kaugaliang maiinam at mabubuti, gaya halimbawa ng ginagawa nila kung Pasko ng Kapanganakan, na isasalaysay ko sa inyong mabuti, sapagka't halos wala rito sa Espanya at hindi ninyo nababasa sa mga aklat na kastila. Sa araw na sinusundan ng Pasko ay nagpapakuha sa gubat ng punung-kahoy na pino. Pinipili ang punong-kahoy na ito, sapagka't bukod sa tuwid na tuwid ay halos siyang tanging puno na ang mga daho'y nananatiling sariwa sa panahon ng taglamig; hindi dahon ang dapat kong sabihin, sapagka't ang totoo'y hindi dahon kundi parang maliliit na pako. Ang punong ito'y pinapalamutihan ng mga lentehuwelas, mga papel, mga ilaw, manika, matamis, bungang-kahoy, kumpites at iba pa, at kinagabiha'y ipinakikita sa mga bata (na hindi dapat

—314—