Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/335

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


Maraming comusta at mag utos nang macacayanan, si Del- fina, si Concha, at si Patrocinio ay humahalic sa iyo nang camay.

Ang iyong lingkod na humahalik ng iyong kamay.

MARIANO HERBOSA

Pinacamamahal Cong Capatid: Bagamat malaqui ang pa- gitan ng aquing pag sulat sa iyo ay ang aquing pag aalaala, pag ibig, ay ualang licat at ang gusto co ay mabubuting gaua at hindi magagandang salita. Dine ay ualang sucat ma ibalita sa yo, marahil si María, at si Daniel ay sumulat na sa iyo, maliban dito ay ualang napapa-iba dine sa atin, ano pat ang masasabe co sa iyo ay arao arao, buan buan, dinadagdagan ang aming pag iintay sa iyo at pinag nanasaan naming icao ay maquita at ya- capin; ngunit namai cung maquita co na cung icao ay mapaui ay marahil ay maninibago cang lubha sa cahirapan at calung cutan dine nang panahon, ang caraniuang hanging dumadating ay nacacasilam sa matá, palib-hasa'i cami datihan na sa ganitong buhay caya lamang hindi nahihirapan; sa ganitong cahirapan ay uala caming iguinagamot cundi ang uicang pasiencia sa castila, cung icao ay me mabute pa sa ritong gamot ay huag mong cali- limutan.

Cami ay mabubuti lahat aua ñg P. Dios, ang Tatay at Nanay ay ualang damdam at cahimanauari, tayo'i mag quiquita ring matiuasay. Si Sra. Sisa ay nacunan dito sa buang ito.

Ang iyong kapatid,
LUCIA RIZAL.






—309—