salaping canilang tinangap, doo'i nasasabi lamang na nag bayad nang buis na nauucol sa taon yaon, datapuwa’t hindi nalalagay cun saicolo, saicapat, isang dang piso o caya isang libong piso. Ang mga tagarine na cumucuha o humihinge nang naulit na recibo ay tinatangap na papiquit ang manga mata; ang recibo ay may nrma nila, datapua’t ang quinatatalaan nang dapat ibayad ay ualang nrma; hangang ngayon ay hindi co pa natataroc ang cahulugan nang pag nrma sa isa at hindi sa isa. Humiguit cumulang ay ganito ang nangyayari sa pag bubuisan dine ngayon, ilan nang taon, sa maiiga recibo ay quinaguis-nan cond; bucod dito’i ang manga halamang nanga sa caparangan na totoong malayo sa bayan para nang quinalalag-yan nang lupa sa Pansol ay bucod sa palay na shinebuss ay may roong pang maiz, balatong, o caya bauang, ito’i ualang sucat at sila ang tumatasa. Buhat nang buan nang Julio hangang ngayon ay ualang bumibile nang azucal, at buhat naman nang buan nang Junio ay ang balang at lucton ay nalalaganapan na ang boong bayan, at totoong naninira nang palay at tubé, na ito’i isá sa manga dinadamdam dine, ang Gobernador ay nag bigay nang limang puong piso ($50.) para ibayad sa mga tauong nang huhule nang lucton ay sa gayon totoong mura ang pag babayad sa dinadala sa Tribunal, binabayaran nang saicapat ang isang cavan at calahate, at para rin hindi nababauasan ang dami nang lucton, caya nga’t sabalac nang taga rine ay may tatlong daan cavan ang nadadaquip na lucton dito lamang sa bayang ito, ang natitira ay marami pang lubhé, na bagaman at uala ang cuartang ipinadala nang Gobr. ay dinadaquip din, hindi tinitiguilan. Ang sabi nang Tatay ay icao rao ay padadalhan ng cuartang maibibili nang casangcapan sa pangagamot ng mata, gayon din ang gagastahin sa pag Dodoctor, marahil cung mabile ang ating azucal ay atangapin mo diyan; mabute nga naman ang icao ay mapaui na dine sa atin; si Eusebio Elepano anac ni Capitang Quico ay isa sa maraming nag aantay sa iyo, dahil sa canyang matd nag caroon nang bucol sa loob, maraming Medico sa Maynila ang gumamot ay hindi rin gumaling; noong arao ang acala ay patungo sa Hong-Kong at doon pagamot, datapua’t nang mabalitaang dadating cand ay hindi né nag tuloy at sa iyo na rao siya pagagamot. Cami, ay totoong gutém na sa pag yacap sa iyo, arao arao ay sinasambit namin ang pag-ui mo; di co pag unang bait ay bago ca sana gumayac nang pag-ui ay mag handé ca muna diyan nang matitibay na casangcapan cailangan dine, talastas mona ang cahunaan nang mahina nating bahay.