Don Juan Burk, at saca iyong dao ay pamanquin; caya buhat ñgayon ay susulat na caming palagui sa iyo. ¡Ang buis! bagay dito sa itinatanong mong ito, ay totoong mahabang sagutin, palibhasay siyang totoong nag papahirap dine at marahil ay cun aco lamang susulat at mag sasalita ay uala pang calahati ang aquin masasabi, at si Dumas mang Ama, ay hindi nin masasayod iguhit ang nangyayari dine tuncol diyan; gayon man, ay pag iinutan cong isulat at cung hindi co man masalicsic na lahat ay calahati man lamang ay matanto mo Dine ay maraming bagay ang pag babayad nang buis, ang tubigang tinatauag nila ay cahit ualang tubig, ay magbabayad ca nang buis na limang puong cavan palay at limang pisong cuarta ($5 ps.) sa lupang may hasic, anim na cavan ang binhi; ang mañga lupang tinatam-nan nang tubó, maiz, at iba pá, na tinatauag nilang <<catijan» ay marami lub-há ang halaga na cung cayo man sacali, ay nag casundo na sa halagang tatlong puong piso ($30.), ang may hasic anim na cavan, ay dinadagdagan pa cun maquita nilang mabuti ang halaman, at hindi naman binabatasan cun masama ang ani, may-roon namang sa dalauang puo't limang piso ($25.), at may sa dalauang puong piso ($20.), sa gayon din caugali-an. — Ang totoong maguló ay ang mañga lupang quinatitirican nang mañga bahay sa loob nang bayan, ualang matuid na guhit na tinutunton cundi ang canilang malilinis na calooban, caya ñga't cahit iisang dancal ang lupang quinatitirican nang bahay at nagcaroon nang pader na bato, ay papagbabayarin nang limang puong piso ($50.) ang cababa-an ay 20; datapuat ang bahay na pauid ó cugon cayá, ay piso lamang ang isang sucat na sampung dipang pabaling baling. Ang isa pang mariquit na nangvayari ay sa arao na cayo magcasundo sa pagtanggap nang lupa ay susulatin ang inyong pinagcasunduan na ito'y hindi mababago sa loob nang apat na taon at ang tumanggap lamang ang siyang mag papatotoo, ito'i dinadagdagan din taon taon Dahil dito ay dalauang taon na ngayon na nagcacaguló ang pagbabayaran nang buis, at ang manga taga rine ay unti unting na papaui-an nang tacot sa uicang «vacante» na ito'i totoong quinatatacutan nang ating manga canuno-nunuan, caya nga't ang nangyayari ngayon ay nag tataurang (tatauarang) para nang nag bibilihan nang istá, ang maiguing tumauad ay mura ang bayad at nacacatipan pá, hindi paris noong arao na ang tauo ay totoong natatacot malampasan nang buan ng Mayo Aco'i humahanap nang recibo na maypadala sa iyo ay hindi aco macaquita sa pagca't cami hindi na cumucuha nang recibo sa tuituing cami mababayad (magbabayad) at uala ring namang cahulugan ang recibong ibinibigay sa dahilang hindi itinatalá ang dami nang