Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/332

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


92. Buhat kay Mariano Herbosa at Lucia
para sa kapatid nitong si Rizal




Mga balita tungkol sa kaanak. — Ang buwis at ang pag-aaral. — Isang

resibong hindi naman resibo. — Mga balang at lukton. —

Mga maysakit na nag-aantay kay Rizal.


Calamba, Laguna
Ika-29 ng Agosto, 1886


GINOONG JOSE RIZAL
MINUMUT-YANG KONG CAPATID:

Tinanggap namin ang pinaca mamahal naming sulat mo fecha 2 de Julio, at natanto namin ang lahat nang sinasay-say: huag cang mag tacá sa calaunan o calayoan ñg pag-itan nang aming pagsulat sa iyo at cami'i sana'i nag iintay o humahanap nang magagandang balita na maisulat diyan, ñgayong nahahalata namin na cami ay nag cuculang sa guhit nang isang magandang pag mamahal, ay babaguhin namin ang pagsulat na madalang at papalitan nang malimit. — Camí, at ang tatlong pamanquin mong naririne sa bahay, ay mabuti at ualang damdam, liban na lamang sa caunting siñgao nang mata ni Delfina, na siyang naguiguing dahilang sa hindi pag pasoc sa Escuela. ¡Sayang at hindi naguing lalaqui! matalas sana ang ulo at totoong masipag mag aral, palaguing sinasauay nang caniyang Yná at baca lumubhá ang siñgao nang mata, totoo lamang matigas ang ulo. — Si Concha ay hindi pa nag aaral, gayon din si Patrocinio. Cung icao ay malalaon pa bago mapa ué, ay marahil masusulatan ca rin ni Delfina. — Naquilala namin ang casiraan nang hindi pag sulat sa iyo nang madalas, minsan ó maicalaua man lamang sa loob nang dalauang buan, dahil sa pag camatay ni Marcosa na totoong malaon ná, nauná pang namatay sa aming anac na lalaqui, namatay sa caniyang datihang saquit, bagama't maicalauang guinaua sa caniya ang operación, minsan si

—306—