kapatid na si Jose Rizal
Leipzig ng isang akda.
Ika-27 ng Agosto, 1886
GINOONG JOSE RIZAL
MINAMAHAL KONG KAPATID:
Tinanggap namin ang apat na sulat mo noong ika-24 ng
buwang kasalukuyan, pagkatapos ng dalawang buwang hindi
kami nakatatanggap ng ano mang sulat na galing sa iyo.
Sa dahilang ako'y nag-iiti nang malubha, ay may tatlong linggo na ngayong ako'y nagpadala sa Maynila ng sandaang pisong ipahihiro sa iyo sa bahay ni Tuason, at ang dinala sa akin ay hindi buhat sa bahay na ito kundi buhat sa de la Vara, at dahil dito'y nangangamba akong hindi mo maipapalit ito sa Franfort, bagaman tiyak na maipapalit mo sa Madrid, bagay na pag-uukulan mo ng pagkabalam, utang na loob at pagpapadala; datapuwa't dahil sa ang kasulatan ng pagpapalitan ng kuwalta ay hindi na maaaring maisauli, ay walang ibang magagawa kundi ito'y gamitin mo. Magkasiya ka na muna sa ngayon sa halagang iyan, sa dahilang ang asukal natin ay patuloy na naiimbak, sa kabila ng mabubuting balita mo, at kapag naipagbili na ito, ay padadalhan kita agad.
Tinatawaran ang kabayong kulay kastanyo ng 220 piso, ang hinihingi ko ay 250 lamang at akin nang ibibigay; unang-una'y sapagka't hindi ko naman ginagamit, at ikalawa'y sapagka't tumatanda na.
Tinanggap ko ang larawan ng mga Ginoong kinasal, na sina Luna at Resurreccion.