mga magulang at mga kapatid
Ika-9 ng Hunyo, 1886
MINAMAHAL KONG MGA MAGULANG AT MGA KAPATID:
Buhat nang mga unang araw ng Enero hangga ngayon ay
hindi ako nakakatanggap ng sulat ni kasulatan ng pagpapalitan
ng kuwalta bagaman ayon sa aking taya ay nararapat na akong
tumanggap ng kuwalta noon pang isang buwan, dahil sa ang
kuwalta ko noon ay hindi aabot halos sa mga unang araw ng
Mayo; ang susunod na koreo ay hindi darating hanggang makaraan ang dalawang linggo, at yamang wala akong tinatanggap na balita buhat sa inyo na huwag akong umasa, ay umaasa pa rin ako . . . Sa Alemanya'y wala ako ni kababayan
ni tunay na kaibigang maaaring hingan ng tulong. Si Luna ang
nagpautang sa akin noong buong buwang nakaraan, datapuwa't ang aking kaibigan ay naghihikahos ngayon, bukod pa
sa ang kapatid niyang lalaki ay nasa París ngayon, kaya dalawa, samakatuwid, ang tinutustusan niya sa kasalukuvan. Uma
asa akong tatanggapin, sa pamamagitan ng kapatid ni Luna,
na dumating nang may dalawang linggo na ang nakararaan,
1 Maaaring nagkaroon ng anumang kagusutan sa Koreo, sapagka't ang mga sulat na buhat sa Kalamba ni Mariano Herbosa at ng kanyang kapatid na si Lucia noong ika 2 ng Pebrero at ang isa pang sulat ni Narcisa na may petsa 27 ng Pebrero ay kapwa ipinadala kay Rizal sa París. Maaaring ang tinutukoy niya'y ang mga sulat ng kanyang mga magulang o ng kanyang kapa tid na si Paciano; gayunman, ito'y sumulat sa kanya noong ika-23 ng Mayo, sulat na mangyari pang hindi pa niya natatanggap nang sulatin ang sulat na ito.
2 Tinutukoy niya sa salitang kapatid niyang lalaki si Antonio, kapatid ni Juan Luna. Kararating pa lamang ni Antonio Luna buhat sa Pilipinas upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa Madrid. Si Antonio ay naging dakilang lalaki nang panahon ng Himagsikang Pilipino; siya'y naging Kataastaasang Heneral ng Hukbong Pilipino; bukod sa siya'y isang kilalang kimiko't parmaseutiko, magaling na manunulat at isang tanyag na makabayan. Sa pamamagitan ng taksil na kaparaanan ay namatay siya nang panahon ng digmaan ng mga pilipino't amerikano sa bayan ng Kabanatuan, Nuweba Esiha, noong ika-5 ng Hunyo, 1899.