86. Buhat kay Rizal para sa kanyang
mga magulang at mga kapatid
Heidelberg
Ika-20 ng Marso, 1886.
MINAMAHAL KONG MGA MAGULANG AT MGA KAPATID:
Nagdaan na ang taglamig at ngayo'y tagsibol na; dito'y
madaling nakikilala ang pagpapalit-palit ng mga panahon sapagka't malaking pagbabago ang napapansin kapag nagpapalit. Pagkatapos ng mabagsik na ginaw sa taglamig, pagkatapos
ng napakasaganang yelo at napakakapal na ulap, sa loob ng
dalawa o tatlong araw ay nagiging bughaw ang langit, maligamgam ang hangin, at natutunaw ang yelo; hinuhubad ng mga
lalaki ang balabal at "sobretodo" at ang mga babai'y nagsusuot ng
mga damit na lalong maninipis at may iba't ibang kulay. Ang
pagpapalit ng panahon ay higit na napapansin sa Alemanya
kaysa Madrid. Ngayon ay bukás ang aking mga durungawan;
naririnig ko at namamalas ang mga batang lalaking maingay na
naglalaro sa liwasan, at ang mga punung kahoy ay nagsisimu
lang mag-usbong. Ito'y napakarikit, na halos nag uudyok sa
aking umawit. Ang lahat ng tao'y nagsasabi na malaki at ka
hanga-hanga raw ang isinulong ko sa wikang alemán; ngayo'y
nakapagsasalita na ako niyon at nakikipag-usap na ako sa mga
aleman at ako'y lubos na nauunawaan nila sa wikang aleman,
alalaong baga'y sa mataas na aleman o sa hochdeutsch, sapagka't
ang wikang patois ng lungsod na ito o ang deutsch ng Heidelberg ay ni hindi ko sinasalita ni pinag aralan, sa dahilang
ito'y isang wikang ginagamit sa isang pook lamang at hindi isang
wikang pampanitikan ni pang-agham. Umaasa akong bago ma-
1 Dito'y nagtira si Rizal ng humigit-kumulang sa apat na buwan; nang una'y nagtira sa Karlstrasse, at pagkatapos ay lumipat sa Ludwigsplatz, na ngayo'y siyang nakikilala sa pangalang Grabengasse.