Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/317

Mula Wikisource
Nabasa at naiwasto na ang pahinang ito


85. Buhat kay Rizal para sa kapatid
niyang si Trinidad




Palagay tungkol sa mga babaing aleman. Mga payo sa kapatid niya.


Donnerstag, Alemanya
Ika-11 ng Marso 1886


BINIBINING TRINIDAD RIZAL,

MINAMAHAL KONG KAPATID NA TRINING:


Buhat nang ako'y umalis diyan ay wala akong tinatanggap kundi apat o limang talatang sinulat mo, isa o dalawang balitang walang halaga tungkol sa iyo, at wala na. Ewan ko kung ano ang iyong kalagayan at hindi ko mahaka ang pagkatao mo. Nang ikaw ay iwan ko ay maliit ka pa, ngayon sa loob ng dalawang buwan ay maglalabingwalong taon ka na, at sa loob ng apat na buwan pa ay inaakala kong lalaki ka na at magiging isang dalaga. Sa gulang mo, ang mga babaing aleman ay parang may 20 o 24 na taong gulang na, dahil sa pag mumukha't sa pag-uugali nila. Ang babaing aleman ay por mal, palaaral at masipag, at dahil sa ang damit nila'y walang maraming kulay, at karaniwang sila'y may tatlo o apat na da mit lamang, ay hindi sila totoong nag-aabala tungkol sa kanilang damit, ni tungkol sa mga hiyas, at sinisikap na suklayin ang madalang na buhok na tira ng kanilang kamusmusan na siyang kapanahunang ang buhok nila'y kaakit-akit, tumutungo sila sa lahat ng pook na matulin ang lakad na daig pa ang lalaki, dala-dala ang kanilang aklat, ang kanilang buslo, at hindi sila pumapansin sa kaninuman at walang inaalintana kundi ang tungkulin nila. Gaya ng sinabi ko kay Pangoy, sila'y totoong mapagtigil sa bahay at napakasipag sa pag-aaral

ng pagluluto gaya rin ng musika at ng pagdidibuho.

—291—