sa rito ang lansangang dinaraanan nila ay makipot at sa ganito'y natitipon doon ang lahat ng kasayahan at nagiging masaya dahil sa karamihan ng taong dumadalo sa ibang pook,
ang magarang kagayakan at ang pagyayao't dito ng mga tao
ang nakapagpapasaya. Bagaman noon ay napakalamig at malakas ang hangin at pati mga taynga'y kinakailangang takpan,
ay mayroon ding kaunting biruan; nagbabatuhan sila ng mga
kagyus buhat sa mga karwahe at . . . Nauunawaan ko nang
mabuti ang wikang aleman; hindi na gaanong malabo at mahirap, gaya noong una: umaasa akong sa loob ng limang buwan
ay makapagsasalita na ako niyon gaya ng pagsasalita ko ng kastila. Malaki ang pangangamba kong baka malimutan ko tuloy
ang kastila, sapagka't sapul nang ako'y dumating sa Alemanya hangga ngayon ay hindi pa ako nakakatagpo ng isang taong
marunong mangastila; sa kabilang dako, ako'y nakipag-usap na
minsan sa wikang Tagalog sa isang alemang tumira nang mahabang panahon sa Singgapur at nakapagsasalita ng wikang
malaya; bagaman hindi kami nagkaunawaang mabuti, gayunma'y napansin kong maraming salitang nagkakahawig. Ang
pamumuhay ko ngayon ay hindi na gaya ng pamumuhay ko
kamakailan. Sa labas ako kumakain. Ang bahay, pati ang
paglilingkod ay nagkakahalaga sa akin ng 28 marko; alalaong
baga'y 7 duro, palibhasa ang bawa't isang duro ay nagkakahalaga ng dalawang real fuerte. Sa bahay ako nag-aagahan at ito'y
nagkakahalaga ng 16 na kuwarta, alalaong baga'y 40 pfenigue;
nanananghali ako sa isang restauran at sa halagang 2 real at 16
na kuwarta ay inaahinan ako ng sabaw, tatlong uring ulam,
matamis at alak, bukod pa sa patatas, atsarang repolyo at iba
pang mga gulay; nararapat ninyong malaman na ang mga lutong aleman ay sinasangkapan ng iba't ibang gulay na pinaghahahalu-halo. Para sa hapunan ay bumibili ako ng dalawang
maliit na tinapay na nagkakahalaga ng 3 kuwarta, isang basong
serbesa na ang halaga ay apat na kuwarta, keso, bungang-kahoy
at isang putol na langgunisa o mantekilya. Ang lahat-lahat, ang
panggatong, ilaw, paglalaba, bahay at pagkain ay umaabot sa
mga 30 duro o kulang pa nang kunti sa isang buwan. Kailangang idagdag dito ang gugol sa paglilinis
at iba pa,
kaya sa halagang 40 duro ay maaaring mabuhay nang maginhawa sa Alemanya kung hindi magpapatahi ng damit at hindi
maglalakbay na paminsan-minsan.
Nagsasanay ako sa pagamutan at sinusuri ko ang mga maysakit na dumarating araw-araw; iniwawasto ng propesor ang mga kamalian namin tungkol sa pagsuri ng sakit; tumu-