aleman, alalaong baga'y hindi ang hechdeutah, na siya kong
pinag-aaralan.
Bagaman ang yelo ay nakapagpapahirap sa marami dahil
sa lamig, sa kabilang dako naman ay ikinatutuwa ng mga bata't
binata; ang mga bata'y gumagawa ng mga bolang niebe na
ginagamit nila sa pagbabatuhan; ang mga binata't dalaga ay
nagpapasiyal na nakasakay sa isang sasakyang kung tawagin
ay trineo o nagpapadausdos kaya buhat sa isang mataas na pook, sa isang landas sa bundok, hanggang sa sila'y dumating
sa lambak. Karapat-dapat ilarawan sa inyo ang Fackelzug4 o kaya'y ang pista ng mga sulû na binanggit ko sa inyo sa nakaraang
sulat. Dahil sa pagkahirang sa Rektor, ang mga mag-aaral, na
ang bilang ay mga 650 o 700, ay nagdiwang ng kapistahang
ito, ang lahat ay nakasuot ng damit ng kani-kanilang samahan, na karaniwang pinangungunahan ng dalawang may dalang tabak na pang-arnis. Bawa't samahan ay humihirang ng
mga pinakamagilas na binata sa mga kasapi, at iyon ang mga
nangunguna sa paglakad ng kanilang pulutong. Nangunguna
sa lahat ang Rektor at ang mga pinakamatataas na opisyal na
nangakasakay sa kanilang karwahe at sumusunod ang mga magaaral na may kasamang mga banda ng musika; ang lahat ay
may dalang sulung nag-aalab at lumalakad nang matulin. Ang
inihahandog na panooring ito'y kalugud-lugod at kamanghamangha. Pagkatapos na malibot ang mga lansangan ng Heidelberg ay nagtitipun-tipon sila sa liwasan at bumubuo ng isang
parisukat na may isang maluwag na puwang sa gitna. Sa isang
hudyat na pinagkasunduan, ay inihahagis ng bawa't isa ang
kanyang sulu sa himpapawid, pitong daang sulû ang umiikitikit sa alangaang; ang mga sulung lumalagpak ay dinarampot
at muling inihahagis sa itaas, samantala'y inaawit na sabaysabay ng lahat ang "Gaudeamus igitur" sa saliw ng tugtog ng
banda at kalansingan ng mga tabak. Dito, ang mag-aaral ang
siyang itinatangi; kung walang mag-aaral ay mamamatay ang
Heidelberg. Sa Sabado ay magkakaroon uli
ng isa
Fackelzug bilang pagpapaalaman ng mga mag-aaral, sapagka't ang
Marso at Abril ay mga buwan ng pagpapahinga. Naging masayang-masaya ang pagkakaroon ng karnabal dito, bagaman hin
di kasinggilas at sigla ng sa Madrid. Kakaunti ang nakabalatkayo, 20 o 30 lamang ang mga karosa datapuwa't sa dahilang
sa buong taon ay pangatawanan ang paggawa ng aleman
sila'y bumabawi't nagsasaya kung Martes ng karnabal; bukod
_____________________
4Fackelzug-Ang tunay na kahulugan sa Tagalog ng salitang alemang ito ay parada o pamahayag ng mga sulú.