Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/313

Mula Wikisource
Nabasa at naiwasto na ang pahinang ito


84. Buhat kay Rizal para sa kanyang
mga magulang at mga kapatid




Ludwigs platz 12,
Ika-11 ng Marso, 1886


MINAMAHAL KONG MGA MAGULANG AT MGA KAPATID:


Gaya ng ipinagbigay-alam ko sa inyo sa nakaraang sulat,1 ako ngayo'y dito tumitira sa bagong bahay na ito na nasa-harap ng Pamantasan,2 at binabalak kong dito na lumagi sa buong panahong ititigil ko sa lungsod na ito, hanggang sa ako'y magtungo sa Berlin, bagay na iniisip kong gawin sa loob ng ilang buwan.

Noong linggong nakaraan at hanggang kalahatian ng linggong ito ay naging napakaginaw rito, at walang tigil ang pag-ulan ng yelo sa panahong ito maging sa bundok at maging sa lungsod; malakas ang hihip ng hanging nagwawasiwas sa mga sanga ng mga punung-kahoy at nagpapaalimbukay sa yelong tumatama sa mukha at nagpapapula rito. Bagaman hindi ako sagana sa dugo, ay namumula ang aking mga pisngi gayong hindi naman ako napakataba. Kahit malamig ang hangin at yumeyelo, ay patuloy sa araw araw ang pagparoon ko sa paga mutan at ang pag-aaral ng optalmolohiya at wikang aleman; sa wikang ito ay malaki na ang isinusulong ko, sapagka't ngayo'y nauunawaan na ng lahat ang aking sinasabi, bagaman hindi ko naman nauunawaan ang lahat ng sinasabi ng iba, sapagka't dito, ang karamihan ay nagsasalita nang napakabilis o kaya'y nagsasalita ng patois, isang wika ito na hindi wagas na


1 Ang tinutukoy na nakaraang sulat ay ang pinetsahan ng buwan ng Pebrero, 1886.

2 Ang bagong tahanan ni Rizal ay nasa-Ludwigsplatz blg. 12, na kan yang nilipatan nang ika-18 ng Pebrero, humigit-kumulang, buhat sa Karlstrasse.

3 Pagamutan-Ayon sa kanyang sulat na sinundan, ay nagtutungo siya sa klinika ng mga mata (Augen Klinik) ni Dr. Otto Becker. Marahil, sa pagbanggit ni Rizal sa salitang pagamutan dito ay tumutukoy siya sa naturang klinika.

—287—