Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/305

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


Tatapusin ko na ang sulat na ito at hanggang sa susunod na koreo.

Ang inyong anak at kapatid na tapat na nagmamahal sa inyo,

RIZAL

Ang kaibigan kong si Valentin Ventura, na pinagkakautangan ko ng maraming utang na loob ay uuwi; naninirahan siya sa Daang Dulumbayan. Sakaling kayo'y pasasa Maynila ay pasasalamatan ko kayo nang gayon na lamang kung siya'y inyong dadalawin. Lalong mabuting ipagpatuloy ninyo ang pagpapadala ng inyong mga liham sa akin sa Arago Boulevard, sapagka't hindi ako titigil dito sa Heidelberg nang mahabang panahon, at ang mga sulat ay maaaring mawala.
















—279—