pakikinig ng aleman ay naging mahirap ang pakikipag-usap ko
sa kanila; sa kabilang dako'y bahagyang-bahagya lamang ang
pagkakaalam nila ng pranses, kaya napilitan kaming gumamit
ng wikang latin at sa wikang ito kami nag-usap hanggang sa
mga unang oras ng gabi at hanggang dumating ang isang marunong ng pranses. Sa karamihan ng mga naroroon, ay mga
walo bawa't sampu ang tadtad ng piklat ang kaliwang pisngi,
ang piklat niyong isa'y higit sa 15 at ang pranses na dumating
upang makipag-usap sa akin, bukod pa sa may walo o sampung malalaking piklat, ay may tali pa ang ulo sapagka't iilang
araw pa lamang ang nakararaan nang natuklapan siya ng bahagi ng anit . . Ang mag-aaral na aleman ay magiliw, mapitagan, mahinhin at hindi hambog. Kapag sila'y nagbabatian
ay inaalis ang kanilang gora, na dinadala sa dakong harapan
ng ulo. Nang gabing iyon ay mahigpit silang tumangging
ako ang magbayad ng serbesang ininom ko, at sinabi nilang
sapagka't ako'y isang taga-ibang lupang kararating lamang sa
kanilang piling ay hindi ako pinahihintulutang gumugol, at
sa susunod nang pagkakataon magbabayad ako ng maiinom ko,
sang-ayon sa kanilang kaugalian, na dili iba kundi bawa't isa'y
siyang nagbabayad ng iniinom niya. Kapag sila'y nag-iinuman, ay kaugalian nang tumagay sa kalusugan ng isa't isa at
sinasabing; prosit prost at itinataas nang malapit sa taong tinatagayan ang kanilang mga baso. Ako'y inanyavahan nilang
sumapi sa kanilang kapisanan, datapuwa't nang malaman nilang
hindi ako makapagtatagal sa piling nila, ay sinabing iyon ay
mawawalan ng kapararakan, sapagka't ako'y walang mahihitang
pakinabang sa pagsapi: kinakailangan ang hindi kukulangin
sa anim na buwan ang tagal ng kahilingan at anim na buwan
pa ang pararaanin upang maging kasapi. Kakatwa ang pagnanais ng mga binatang ito na magmukhang pangit, at sa katunayan ay marami sa kanila ang may kagandahang lalaki sa
isang panig, datapuwa't sa kabilang dako'y may mga tahi ang
kanilang balat. May isang maka-54 na ulit nang nakipaglaban. Hindi lahat ng mga mag-aaral ay sumasapi sa mga kapisanang ito.
Ako'y nakatira ngayon sa isang kaserahan;7 ang halaga ng
pamumuhay dito'y hindi gaanong mura gaya ng inaasahan ko,
sapagka't ang aking tirahan, pagkain, paglilingkod, at ilaw ay
nagkakahalaga ng 28 duro isang buwan. Totoo ngang dito'y
lalong mura kaysa Paris, datapuwa't hindi gaanong mura gaya
_____________________
7 Ang bahay na panuluyan o "pension" ay nasaarlstrasse blg. 16 na tinirhan ni Rizal sa loob ng 15 araw.