Baden, ay hindi ako tumigil doon; sapagka't sa kalagayan ng
aking bulsa ay hindi nararapat gumawa ng maraming pagpapatigil-tigil: bukod sa rito, ang Baden ay para sa pagliliwaliw,
lalo na kung tag-init. Sa tabi ng aking silid na pangalawang
klase sa kotseng sinasakyan ko, ay mayroon din na isang pangunang klase na sinasakyan ng Prinsipeng Ruso at isang Prinsesang nangaglalakbay. Tuwing bababa sila sa kotse ay pinaguukulan ng mga karangalang panghukbo. Ang Alemanya'y
isang bansa ng malaking kaayusan at pagsunod.
Dumating ako sa Heidelberg nang Miyerkoles, ika-3 ng Pebrero ng hapon. Ang kabayana'y mukhang masaya para sa akin, sa mga lansangan ay walang mamamalas kundi mga magaaral na may mga gorang pula, dilaw, luntian, puti, at bughaw na yari sa katad, at iba pa. Sinasabing ang mga magaaral na kasapi sa iba't ibang samahang may kani-kanilang saligang batas ay naglalaban-laban sapagka't ito'y nagiging libangan nila.
Kapag sila'y naglalaban, ay may mga baluti ang buong katawan: ang mga kamay, mukha at ang mga mata'y may baluting isang salaming pinatibay ng aserong sala-sala, at sa gayon, ang lalong nalalantad ay ang ulo at inga pisngi. Ang ginagamit nila'y isang uri ng tabak na napakatalim, na ipinapalo sa ibabaw ng ulo sa pamamagitan ng pagtataas ng bisig. Ang mag-aaral na aleman ay may makisig na tikas, matangkad at mabuti ang tindig. Nang kinagabihan ng aking pagdating, sa pagnanais kong makabalita tungkol sa isang magaling na propesor sa Optalmolohiya, ay ipinagtanong ko ang inuman ng serbesa na pinagtatagpuan ng mga mag-aaral, at ang itinuro sa akin ay ang Gulden Bierbrauerei. Doon nga'y natagpuan ko ang mga walo o siyam na gorang dilaw ng Samahang Schwate (Suabia). Ako'y nagpakilala at sa mali-maling alemang nalalaman ko ay tinanong ko sila. Kapagdaka'y kumilos sila, silasila'y nagtanungan at ibinigay sa akin ang lahat ng kinakailangang balita.
Inanyayahan nila akong umupong kasama nila at uminom
ng serbesa. Dahil sa hindi ko nakagawian ang pagsasalita at
_____________________
5 Baden-Ito'y pangulong bayan ng Karlsruhe, Alemanya, na bantog dahil sa mga paliguang ang tubig ay galing sa mga mina, na pinagdarayo ng mga maysakit; gayundin, ang Baden ay isang bayang sagana sa industriya, gaya ng pagawaan ng mga orasan, mga seramika, mga pahiyas, mga alak at mga likhang galing sa mina.
6 May limang samahan ng mga mág-aarál na tinatawag na "Sexoborussia", "Suavia", "Westfalia", "Vandalia" at "Rhenania", na nangakikilala sa kanilang mga gayak at mga gorang may iba't ibang kulay: puti, dilaw, pulá, bughaw at luntian.