sod ng foie-gras, isang masarap na luto na sinasangkapan ng
namimintog na atay ng gansa, at marami naman nito ang
nabibili.
Ang Strassburg ay siyang pangulong bayan ngayon ng Alsace-Lorraine o ng Elssas und Lotringen, gaya ng sinasabi ng mga aleman. Ito'y malungkot kahit masagana ang pangangalakal; sa magkabi-kabila'y namamalas ang mga labi ng pagkakakomba nang taong 1870; dito'y isang punlo ng kanyon, doo'y isang pader na may bitak, sa dako pa roo'y isang gibang tore ng muog, isang butas, isang salakot na metal na natatabunan ng matigas na granito. Nalulugod ang mga naninirahan na ipakita sa akin ang bayan at ang mga naglalakbay. Gaya ng sukat asahan, dinalaw ko ang bantog na katedral at inakyat ko ang isang toreng may 142 metro ang taas, ang pang-apat, kung hindi namamali ang aking alaala, sa pinakamataas na tore sa Europa. 500 baytang ang aking inakyat hanggang makarating sa tuntungan at buhat dito'y natatanaw ang halos buong kapatagan ng Rhin, ang Gubat na Itim, ang Vesges, at iba pa. Hindi kakaunti ang naging kasiraan ng toreng ito noong bombahin, datapuwa't naiuli na ngayon. May isang bagay na kapansin-pansin sa loob ng katedral, at ito'y ang makinang napakamasalimuot ng orasang ginawa upang lumakad nang mahabang panahon, sapagka't ito raw ay nakapagsususi sa sarili; iyon ang ikalawang pag-uuli ng isang orasan nang ika-13 dantaon. Sa isang sulok ng patyo ay may isang matandang bahay na tabla na sinasabing siyang bahay ni Guttemberg, bayang nakita ko, ay punung-puno ng mga kawal na aleman. Napansin kong maraming tao ang nagpupugay sa akin sa daan at sa bawa't sandali ay napilitan akong nag-angat ng aking sambalilo.
Buhat sa Strassburg ay nagtuloy ako nang tuwiran sa Heidelberg,4 at bagaman dumaan ako nang malapit sa bantog na
_____________________
4 Si Gutembarg, Juan o Johanan (1397-1468) ay isang manlilimbag na aleman na siyang lumimbag ng "Bibliyang may 36 na talata". Ipinalalagay na siyang lumikha ng limbagang may mga tipong napagpapalit-palit.
5 Heidelberg-Ang siyudad na ito ay tinatawag na "Ciudad Universitaria Alemana", ang unang unibersidad na alemang pinasukan ni Rizal. Kinabukasan ng pagdating niya roon ay napatala na agad sa Unibersidad, at siya'y pumasok sa mga panayam tungkol sa "oftalmologia". Sa siyudad na ito'y nanatili si Rizal buhat nang ika-3 ng Pebrero hanggang mga unang araw ng Agosto, 1886. Ang siyudad na ito'y tinatawag na siyudad ng mga estudyante dahil sa kanyang Unibersidad na itinuturing na pinakamatanda, na itinayo ng Elector na si Rupert I noong 1386; at isa rin namang lunsod ng mga industriya, dahil sa kanyang pagawaan ng serbesa, mga kasangkapang panistis, mga salamin sa mata, limbagan, atbp.