Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/30

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


Kumusta sa buong kaanak, sa dalawa ko pang kapatid na babae,[1] sa minamahal kong bayaw na si Ranito[2] at sa ma­liit na si Emilio.[3]

Inaasahan kong babalitaan ako ng kapatid kong lalaki[4] tungkol sa pista.

Ang inyong kapatid,
Jose Rizal
  1. Ang dalawa pang kapatid na binabanggit ay ang mga may asawa nang sina Narcisa at Lucia, na tumitira nang hiwalay sa kanilang angkan.
  2. Ang Ranito ay siyang palayaw na itinatawag sa kanyang bayaw na si Mariano Herbosa, asawa ni Lucia.
  3. Ang maliit na si Emilio ay siyang panganay na anak ng kanyang kapa­tid na si Narcisa.
  4. Ang tinutukoy na kapatid na lalaki ay ang tangi niyang kapatid na lalaking si Paciano.
—4—