Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/299

Mula Wikisource
Nabasa at naiwasto na ang pahinang ito


81. Buhat kay Rizal para sa kanyang
mga magulang at mga kapatid




Karlstrasse 16,
Heidelberg,
Ika-9 ng Pebrero, 1886


MINAMAHAL KONG MGA MAGULANG AT MGA KAPATID:


Gaya ng ipinagbigay-alam ko sa inyo sa sinundang sulat¹ ay nilisan ko ang Paris at ako'y tumungo sa Alemanya noong Lunes, unang araw ng Pebrero. Tumigil ako nang isang araw sa Strassburg. Ang Avr... ay ang kahuli-hulihang bayan sa hangganang Pransya-Alemanya at pagkalampas dito'y mapapansin ng naglalakbay ną siya'y nasa-ibang bansa na, sapagka't sa lahat ng dako ay walang namamalas kundi mga uniporme, mga militar, palibhasa sa buong Alemanya, ang mga kawani ng mga daang-bakal ay pawang mga militar. Buhat sa Pransya ay sinubaybayan ako ng yelo sa daan, alalaong baga'y buhat sa Nancy hanggang Wilwisheim. Hanggang sa dumating ako sa Strassburg ay wala akong naunawaang mabuti sa mga nakausap ko, sapagka't bagaman halos lahat ng mga tao'y nagsasalita ng pranses at aleman, ay gayon na lamang ang kawalan ng kaibhan ng pagbigkas ng Aleman ng v at f, b at p, d at t, na ang pranses na sinasalita nila'y parang nagkukunwang aleman. Ang mga gansa ang nagbigay-alam sa aking malapit na ako sa Strassburg, ang lun-


1 Ang sulat na tinutukoy ay ang may petsang unang araw ng Enero, 1886 buhat sa París.

2 Marahil ay tumigil si Rizal ng isang araw sa Estrasburgo upang kilalanin ang siyudad na ito, na siyang dating pangulong bayan ng Alsacia, bukod sa isang siyudad ng mga industriya na napapatangi sa kanyang mga pagawaan ng serbesa, foie-gras, ng mga balat na kinukulti, ng mga makinariya at mga kasangkapan ng anluwage. Sa bantog na katedral nito ay mamamalas ang isang orasang pinagagalaw ng panahon, ng araw at ng hangin, na sa dakong huli'y iniuulat ni Rizal.

—273—