Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/286

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


magulang na sila'y ibili ng mga laruang iyon; naniniwala silang kapag sila'y nagpakabait sa buong taon, ay matutuklasan na lamang nila ang mga laruang iyon sa pag-uumaga ng ika 25 ng Disyembre, at kung hindi naman sila magpakabait ay wala silang matatagpuang anuman. Ang mga anak ng mga maralita'y naparoon upang manood lamang; at wala sa kani lang nangangahas humipo o magsalita nang malakas kahit isang kataga, datapuwa't kung mamalas ninyo ang kanilang mga matang maliliit, ay mababasa ninyo kung ano ang nangyayari sa loob ng kanilang puso. Ang pagkakatuto ng mga batang ito ay inaakala kong isang katunayang hindi mapupuwing na lalong mabuti ang bagong pamamaraan ng paghubog sa kaluluwa; magpakabait alang-alang sa pag-ibig sa kabutihan at sa karangalan.

Ang bahay ng aking propesor na si Doktor de Wecker6 ay naroroon sa 31 Daang D'Austin; iyo'y isang malaking gusaling ang tindig ay napakagara kahit na sa mga nayong iyong marami ang magagarang palasyo. Sa Espanya'y hindi ako nakakita ng makakatulad niyon. Sa pasukan ay mamamalas ang isang haspeng marmol na may lahat ng kulay, na ang pagkakaayos ay napakainam, isang malaking pausukan upang gawing katamtaman ang lamig ng hangin kapag hinuhubad ang "sobretodo" sa gitna ng isang bulwagang sa biglang malas ay nagdudulot ng isang kahanga-hangang panoorin. Pagdating na pagdating ng isang tao ay sinasalubong agad ng mga utusan upang abutin ang kanyang tungkod, payong at iba pa, at dinadala siya sa unang palapag, na ang inaakyatan ay isang hagdanang nalalatagan ng alpombra at napapalamutihan ng matatandang panabing na yari sa Espanya. Habang ipinagbibigay-alam sa maybahay ang iyong pagdalaw ay doon ka naghihintay sa isang bulwagang puno ng maririlag na larawan ng mga paara lang olandes, pranses, kastila at italyano. Kabilang sa mga lara-
_____________________

6 Ang tunay na ngalan ni Propesor de Wecker ay Dr. Louis de Wecker (1832 1906), bantog at pantas na pransés sa panggagamot sa mata; sa kanyang klinika sa Daang Cherche-Medi blg. 55 ay nag-aral at nagsanay si Rizal, bilang isa niyang katulong nang 1886. Si Dr. de Wecker ay ipinalalagay ni Rizal na siyang pinakamabuti sa kanyang mga propesor sa "Optalmologia", at may mabubuti at maraming suking nagpapagamot; kinaalang-alanganan siya ng buong París, hindi lamang dahil sa kanyang kabantugan at kadakilaan sa pagkamediko kundi dahil din naman sa kanyang kayamanan at kataasan ng kinalalagyan sa mga lipunan sa París; isa rin naman siya sa mga opisyal ng "Legion de Honor" sa Pransya. Si Rizal ay pinakamamahal ni Dr. de Wecker, at di miminsang nag-anyaya sa kanya sa bahay nito sa Abenido Chause de Auten blg. 31. Ayon kay Rizal, ang tahanang iyon ay isang tunay na palasyong napakaganda, puspos ng kisig at gara at batbat ng sining na wala pang kaparis sa mga nakikita niya sa buong Espanya. Nang lisanin ni Rizal ang París upang maglakbay sa Alemanya. Austriya at Suwisa ay sadyang may balak siyang magbalik sa klinikang iyon, sapagka't inanyayahan siyang bumalik ng kanyang propesor.


—260—