Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/285

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


nauukol sa Pilipinas: si Donya Juliana5 ay isang tunay na Pilipina, sa apat niyang tagiliran, gaya ng karaniwang sabihin dito. — Buhat noong ika-24 ng Disyembre, ang lahat ng bangketa sa mga pasyalan ay punung-puno ng mga baraques o mga maliliit na tindahan ng mga laruan, bungang-kahoy, at iba pa, katulad ng perya sa Kiyapo, (ang salitang baraque ay binibigkas ng barak at sa salitang ito hinango ang barraca). Napakaraming tao ang nagpapasiyal doon: mga bata, binata, dalaga at matatanda. May mga pistang pinangangasiwaan ng pamahalaan, na inilalaan sa mga bata lamang; ang mga artistang lalaki at babae ay sumasama sa palabas nang walang bayad upang masiyahan ang mga bata; ang mga ito'y marunong namang gumanti nang mabuti sa pagsusumakit na ito, sa pamamagitan ng pagpapakabait samantalang may palabas. Hindi ako nanghihinawa sa paghanga sa mainam na pagkakaturo sa mga batang pranses; parang isang kuwento kung itutulad sa mga ta riyan, maging anak ng Kastila, o maging anak ng pilipino. Sa lansangan, sa trak, sa mga karwahe, sa mga pasyalan, sa bahay, sa lahat ng dako, ay mababait sila; hindi sumisigaw, hindi umiiyak, hindi nanggagambala. Kaninang umaga lamang, sa trak ay may isang batang lalaki na may mga limang taong gulang, na nakaupo sa tuhod ng kanyang ina at siya'y napakatahimik, pormal at walang kibo. Pagkaraan ng ilang sandali, ay sumakay ang isa pang ginang na may kasamang isang batang ang gulang ay gayon din at umupo sa harapan. Ang dalawang bata'y nagtinginan nang walang kakibu-kibo, datapuwa't sapagka't matagal ang paglalakbay, ay hindi sila nagkasiya sa hindi pag-imik. Ang isa'y nagsimulang ngumiti, at ang ika lawa'y ngumiti rin; iniunat ng isa ang kanyang kamay at sinabayan ng ngiti at bahagyang pagpikit ng mata, hinawakan naman ng isa ang kamay niya at sila'y nag-usap nang usap bata at bulong lamang; pagkatapos ay kinuha ng isa ang isang maliit na tarumpo sa ilalim ng kanyang balabal at ipi nagparangalang nakangiti sa ikalawa, matamang pinanood iyon, at pagkatapos ay isinauling tuwang-tuwa. Hindi sila nag-aaway, ni sumisigaw; sa malalaking basar na pinaroroonan ng mga mag-aanak upang bumili ng iba't ibang bagay, ay may malalaking bulwagang punung-puno ng mga laruan na napakaririkit; pumapasok doon ang mga bata, nanonood, nakikinig ng mga kalatog ng mga laruang kahanga-hanga ang pagkakayari, ng mga laruang kumikilos, mga kabayo, at maraming iba pa; hindi kayo makaririnig ng iyak o sigaw, ni isang pag-uudyok sa mga
_________________

5 Si Donya Juliana Gorricho ay ina ng mga Pardo de Tavera.


—259—