tayo'y makikihamok sa ilalim ng watawat ng Espanya laban sa
Alemanya, ang isinasagot ko sa kanila'y makikipaglaban tayong
lagi sa pagtupad sa ating tungkulin at sa pagsunod sa ating
budhi. "Kung gayo'y ano ba ang inyong tungkulin?" ang tanong nila sa akin, at ang tugon ko naman ay "umibig sa aming
bayang tinubuan, at ang aming budhi'y nag uutos na gawin na
min ang lahat ng nasasaklaw ng tungkuling ito".
Sapagka't ako'y walang balitang galing diyan, ay mahirap para sa akin ang magsalita tungkol sa mga taong dating nakikilala ko, sa takot na ako'y makatukoy ng mga taong patay na o hindi malaman kung nasaan.
Ang mga Pilipinong tumitira rito ay hindi pa nagsisibalik buhat sa kanilang pantag-araw na pagliliwaliw sa ibang pook. Noong unang araw ng buwan, ay nagsiuwi sina Valdes, Calero at Cabangis8, dalawang manggagamot at isang nag-aaral ng panggagamot.
Kung masasamantala ko sana ang tag-araw upang paroon
sa ibang bansa at makapag-aral ng mga wika, gaya ng ginawa
ko noong unang taon ng pagdating ko rito, na ako'y tumungo sa
Paris, ay nagtungo disin ako sa Alemanya o sa Suwisa ngayong
tag-araw na ito, at sa mga araw na ito ay kumikita na sana
ako ng dalawang duro araw-araw, bukod pa sa mga kaloob,
sapagka't sa ......9
________________
8 Ang binabanggit dito ni Rizal ay sina Dr. Benito Valdes at Dr. Tomas Cabangis, na kapwa taga-Maynila at kapwa rin medikong tapos na nang magsialis sa Madrid; at ang isa'y si Federico Calero, na nag-aaral ng medisina sa Unibersided Central, nguni't hindi nakatapos ng karera, at umuwi sa Maynila upang harapin ang pangangalakal.
9 Ito'y isa pa rin sa mga sulat ni Rizal na hindi tapos at ni walang lagda.