Unang araw ng Oktubre, 1885
MINAMAHAL KONG MGA MAGULANG:
Noong unang araw ng buwang ito'y nilisan namin ang
bahay na inuupahan1 upang makapamuhay nang lalong matipid at lalong may kalayaan, at lumipat kaming tatlo nina Ceferino, Lete,2 at ako, sa bagong bahay na ito na magkakahalaga sa amin ng dalawang ibayo halos, sapagka't ang hinihingi
sa amin ay dalawang piseta araw-araw para sa tulugan lamang.
Sapagka't hindi ko binabalak na tumigil dito nang higit sa 15
araw,3 alalaong baga'y hanggang dumating ang koreo na binabalak kong sakyan sa pag-alis, sakaling ako'y magkakakuwalta,4
ay binayaran ko na ng 6 na pisong ipinauupa sa akin. Sa dahilang ang pensiyon ko'y hindi mararagdagan marahil sa panahong ito, ay hindi na ako tutungo sa Inglatera sapagka't ang
pamumuhay roon ay lalong magugol, at sa Alemanya ako tutungo. Dito raw, ayon sa tiniyak sa akin, ay maaaring mabu
hay sa pensiyong tinatanggap ko ngayon; sakaling ito'y totoo,
ay siya kong gagawin. At kung hindi ako makatanggap ng
kuwalta, ang tadhana na ang siyang magpapasiya kung ano
ang mangyayari. Buhat sa Paris ay pinadalhan ako ni Valen-
1 Ang bahay na tinitirhan ni Rizal noong una ay nasa-Pizzaro blg. 13, silid blg. 9, ikalawa sa dakong kanan; sa malas ay dito siya nagbuhat ng paglipat sa daang Cedaceros.
2 Ito'y si Ceferino de León, na nabanggit na sa sinundang sulat, na dumating nang taong nakaraan buhat sa Pilipinas upang mag-aral ng deretso. Ang isa pang kasamang si Eduardo de Lete, ay isang kastilang-pilipino na dating nagtitira sa Madrid.
3 Hindi mapag-aalinlanganang si Rizal ay ni hindi tumagal ng 15 araw sa bahay na ito, sapagka't noong ika-9 ng Oktubre ay nasa-París na siya.
4 Ang salaping binabanggit niyang hinihintay ay ipinada'a sa kanya noong ika-10 ng Setyembre sa halagang 200 piso. Ang halagang itong ipinadala sa pamamagitan ng isang "letra de cambio" ay nararapat sanang ipinahatid sa kanya nang magtatapos ang Abril na nakaraan sa pamamagitan ng hatid-kawad (giro a telegrafico), nguni't hindi gayon ang nangyari sapagka't ang ina ni Rizal na napasa-Maynila upang ipadala nga sa pamamagitan ng hatid-kawad, ay dala ring ibinalik sa Kalamba ang "etra de cambio", at hindi naipadala hanggang