ika-13 ng Setyembre, 1855
GINOONG JOSE RIZAL
MINAMAHAL KONG JOSE:
Noong ika-10 ng Agosto ay ipinadala ko ang mga sulat
para kay Ginoong Barrantes at para kay P. Faura gaya ng
ipinagbigay-alam ko sa iyo sa sulat na sinundan nito, datapuwa't
sa dahilang wala akong balita tungkol sa pakay na tinutungo
ng mga sulat mo, ay minabuti kong magpadala sa minamahal
mong si P. Faura ng isang pahatid-kawad na ang magiging sagot ay binayaran ko at ang himig ay ang sumusunod: "Kapita-pitagang P. Faura—Maynila—Ipinamamanhik ko sa inyong
sabihin sa akin kung matatamo ni Rizal ang kahilingan niya.
(Bayad na ang sagot.) — Ubaldo." Ang isinagot ay ang mga
salitang sumusunod: "Ginoong Ubaldo, Albay—Masama ang
loob ko sa inyong dalawa ni Rizal; ang bawa't isa'y manatili
sa pook na ipinag-uutos sa kanya; ako'y walang hiningi at
hindi hihingi ng anuman. — Faura." Pagkatanggap na pagkatanggap ko ng tugong ito'y nag-isip-isip ako sa dahilang
hindi ko maunawaan ang isinama ng loob ni P. F. sa ating
dalawa, o susulat sana ako ng dalawa o tatlong hanay upang
mapag-alaman ko — sa harap ng bagay na ito at sa dahilang
siya'y may lubos na pagtitiwala kay Ginoong Barrantes na walang salang nakiayon na sa kanya, kaya walang ibinungang
anuman. Ipinasiya ko nang magbitiw sa tungkulin ko upang
sa ganito'y huwag ka nang tumanggap ng sama ng loob dahil
sa akin. Kapag ipinasiya ang paghiwalay ko sa palingkuran at
makabalik na ako sa Kalamba ay susulatan kita. Dito'y wala