kapatid na si Jose Rizal
Ang halaga ng asukal ay may kataasan
Ika-10 ng Setyembre, 1885
GINOONG JOSE RIZAL
MINAMAHAL KONG KAPATID:
Pinadadalhan kita ng isang katibayan ng pagpapalitan ng
salapi na ang halaga'y 200 piso; hindi ko na ipinahatid-kawad
gaya ng ipinangako sa huli kong sulat, sapagka't ang ating ina
ang pumaroon sa Maynila at siyang may dala ng katibayan,
at tangi sa rito'y nabasa ko sa iyong kahuli-hulihang sulat na
mayroon ka pang magugugol.
Yamang hindi mo nabanggit na tinanggap mo ang hala gang ipinahiro ko noong mga unang araw ng Abril, ay ipinadadala ko sa iyo ang pangalawang sipi't baka hindi mo nga natanggap ang una.
Ipinagbili na namin ang asukal ng taong ito sa halagang 2 piso't apat na sikapat, at 3 piso isang pilon; ang mga halagang ito'y matataas na kung itutulad sa halaga ng mga taong nagdaan, at bagaman hindi makapagpapayaman sa magsasaka'y hindi naman makapagpapangulugi sa kanya.
Padalhan mo ako ng lalong maraming balita tungkol sa remolatsa. Ang balak na maglingkod sa mga taong magagalitin ay kinakailangang gawin kapag wala nang mapagkukunan, datapuwa't kung kikita pa sa ibang dako ng isa o dalawang piso isang araw, ay dapat iwaksing lubos ang gayong balak dahil sa mga pakundangang nauukol sa pamilya.