Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/262

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


manapa'y dahil marahil sa paghihikahos sa kabuhayan o sa kawalan ng hanapbuhay, at talagang hindi nga dahil sa ayaw ipadala sa iyo. Ang tungkuling ito'y sa balikat ko lamang nakaatang buhat nang sandaling iyo'y pinagtibay ko, pagkakapagpatibay na hindi maaaring pagsisihan sa dahilang naaakma nang panahong iyon sa lakad ng ating kabuhayan, datapuwa't sa dahilang ito'y nagkaroon ng hugis na lubos na kasalungat ng mga inaasahan natin, ito't ang kagipitang dinaranas namin ay siyang dahilan ng pagkabalam ng pagpapadala ng pensiyon mo, at siyang nananaig sa kabila ng kalakhan at kabutihan ng aming kalooban.

Sa kabila ng kapakinabangan ng ginawang pagtutulad ng asukal dito, sa nanggagaling sa Kuba at Puwerto Riko, na utang sa kagandahang loob ng Hari at ni Ginoong T. de Valdosera, ang mga pilon ng asukal dito sa Kalamba ay hindi natitigatig sa ganap na katahimikan na tila baga walang kinalaman sa kanila ang mahalagang kapasiyahang ito. Hindi ibig sabihin nito'y hindi namin pinasasalamatan ang kahalagahan ng mabuting pagbabagong ito, bagama't hanggang sa mga sandaling ito'y hindi pa nakakagawa ng mabuting bunga niya; ang bagay na ito marahil ay wala na sa mga kamay niya kundi nasa mga kamay ng mga umaani ng remolatsa; sukat nang iukol sa katarungan ang nauukol sa kanya at masayang-masaya na ang lahat. Sinasabing sa buwan ng Agosto ay magkakaroon ng pagkilos ang panindang ito; magkaroon man o hindi, ay ipagbibili namin sa buwang iyon ang asukal at sa gayon ay maipadadala ko sa iyo sa pamamagitan ng pahatid-kawad ang lahat ng nauukol sa iyo at may dagdag pa; samantala'y iyong ipagbili ang mga hiyas mo.

Sa isa sa mga sulat mong nauna ay sinabi mong ikaw ay tutungo sa Alemanya pagkatapos na matamo mo ang pagdo doktor, upang mag-aral ng paggagamot sa mata, at ngayon sa huli mong sulat sinasabi mong ay ikaw ay sa Inglatera tutungo, at ikaw ay humihingi ng kuru-kuro hinggil sa balak na ito; sa ganang akin, ay ganap na walang pagkakaiba ang alinman sa dalawa, kung pinag-aaralan din dito sa huli ang pinag-aaralan doon sa una; ang kadalubhasaan sa bagay na ito ay pakikina bangan ng gayon na lamang ng angkan sapagka't sa bayang ito'y kakaunti lamang o wala pang dalubhasa sa sangay na ito

Si Choleng ay nasa kina Donya Basilia na naman; kinuha siya rito noong wala ako sa bahay; kapag si Donya Basilia ay namatay ay saka lamang tiyak na siya'y maaaring tumigil sa ating bahay.


—236—