Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/258

Mula Wikisource
Nabasa at naiwasto na ang pahinang ito


68. Buhat kay M. T. Hidalgo at Saturnina
para sa kapatid nitong si Rizal




Naghihinanakit si Rizal sa dahilang hindi

nakatatanggap ng sulat buhat sa mga
kapatid niya. Pinadalhan siya ng

100 piso para sa pagdodoktor.


Kalamba, Laguna, K.P.
Ika-16 ng Hulyo, 1885.

GINOONG JOSE RIZAL

MINAMAHAL KONG BAYAW:


Ikaw ay naghihinanakit nang gayon na lamang sa dahilang ako o kami'y matagal nang hindi sumusulat sa iyo, at ikaw ay may matwid upang maghinanakit; sa dahilang palibhasa tayo'y nagkakabuklud-buklod pa ng mahihigpit na tali ng angkan, sa ikasisiya ng kalooban natin ay kinakailangang malaman ng bawa't isa ang kalagayan ng iba sa ilalim ng lahat ng paraan ng pagtingin, datapuwa't iyo'y hindi namin ginawa, sa dahilang tuwing dumarating ang iyong mga sulat sa mga minamahal na magulang natin at sa kapatid na Paciano, ay nababatid namin ang mga nilalaman doon, at ikinagagalak naming ikaw ay mabuti, napag-alaman namin ang pagsulong mo sa pag-aaral at sa lipunang iyan, gaya rin ng mga pamamagitan ng mga sulat nila sa iyo na hindi naman nila kinaliligtaang kami'y banggitin, ay napag-alaman mo ang kalagayan namin sa tuwi-tuwina; dahil dito'y ipagpapaumanhin mo iyon sa amin yamang lahat ng pagkukulang, liban sa ilang napakabihirang kataliwasan ay laging pinagpapaumanhinan sa loob ng angkan. Bagay sa mga balita ay wala akong masasabi sa iyo sapagka't inuubos na lahat ni Paciano sa sulat niya, at tungkol sa mga maliliit na pamangkin mo sa panig namin ay gayon din, ang kapatid mong babae

—232—