Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/256

Mula Wikisource
Nabasa at naiwasto na ang pahinang ito


67. Buhat kay Olimpia para sa kanyang
kapatid na si Rizal




Sumulat uli kay P. Faura


Albay,
Ika-12 ng Hunyo, 1885

GINOONG JOSE RIZAL

MINAMAHAL KONG KAPATID:


Bagaman at dimo aco sinusulatan ay aco'i, sumulat din sayo; natatalastas cong masama ang loob mo, at me sentimiento ca at icao ay di naaalaala, itoy huag mong acalain at sa tuing susulat sayo si Silvestre, ay acoy casama nia sa sulat na ipinadadala dian sayo; caya lamang hindi mo maquita ang tunay na letra co ay dahilan sa aquing mañga guinagawa, daladalaua ang bata na parejong malicot. Caya aco'i, didispensahin mona dito sa mañga bagay na ito.

Cami ngayon ay nandito sa Albay meron na caming tatlong buan dito, ang casama namin dining alila ay si Sinforosa capatid ni Policarpio na sia naming na cacasamasama saan man cami maparoon.

Moy, cung ibig mo at magagauan mo nang magaleng na para came ay magpirme na sa Calamba, ay totoong madali, que P. Faura, ca lamang sumulat at ipagbilen mong, cung caelan man at camey magca gustong umalis dine ay susulat lamang came sa cania, at sa ganoong buan. Came ay gauan ng magaling para mailipat came sa Calamba ito ay sia mong isusulat sa cania sapagcat ang puno ng telegrafos hindi mahia sa malaquing pag tingin dito sa Pareng ito. Caya totoong malaque ang cagustuhan namin cami ay mabalic sa atin ay dahilan que

—230—