Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/254

Mula Wikisource
Nabasa at naiwasto na ang pahinang ito


66. Buhat kay Silvestre Ubaldo para kay Rizal




Hinihiling kay Rizal na sulatan si Pari Faura


Albay
Ika-25 ng Abril, 1885

GINOONG JOSE RIZAL

MINAMAHAL KONG JOSE:


Ibinabalita ko sa iyong noong ika-23 ng Marso ay umalis kami sa Kalamba patungong Maynila at noong ika-25 ay umalis kami sa Maynila para sa Ulumbayang ito ng Albay na siyang bagong pinagdalhan sa akin. Kasama ko si Olimpia at ang batang maliit na si Cesario. Kami'y maligayang dumating dito, datapuwa't ang panganay na si Aristeo ay iniwan namin sa Kalamba, sa kanila.

Ako'y ipinadala rito dahil sa suliranin ng meteorolohiya at pagmamatyag sa Bulkan; dahil dito'y pumarito si P. Faura noong ika-23 ng Abril upang ituro sa akin ang gagawin at itayo ang lahat ng mga kagamitan ukol sa meteorolohiya; kasama si P. Batllo, at silang lahat ay nagpapakumusta sa iyo. Sila'y umalis noong ika-25 ng buwang nabanggit at tumungo sa Atimonan, Tayabas, dahil sa layong nauukol din sa meteorolohiya. Sa mga gawaing itong meteorolohiko ay binabayaran ako ng 12'50 piso, sa mga gawaing ukol sa Koreo ng 12.50 at ang sinasahod ko sa pahatiran-kawad na 41'00 ay siyang nauukol sa katungkulan kong pangalawang telegrapista at panlimang Opisyal sa Pangasiwaan.

Sa harap ng lahat ng ito, sakaling ikaw ay susulat kay P. Faura, ay ipakiusap mong kung maaari ay ilipat ako sa Kalamba, yamang ang paring ito'y malakas sa Inspektor Heneral ng Telegrapo at sa Pangkalahatang Patnugot ng Pangasi-

—228—