Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/247

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


Sa kasalukuyan, si Doktor Franco, 13 ang manggagamot na nagsanay riyan ng mahabang panahon, ay kamag-aaral ko. Siya'y naging propesor ko, at naging katangi-tangi, lalo na sa paglalagpak sa mga mag-aaral, at sa pagkakapahayag niya, sa simula pa lamang ng aking karera, na kaming lahat ng mga mag-aaral ay ihuhulog niya. Si Dandoy14 na ang magsabi, noong 15 . . . . . . . .
_____________________

13 Si Jose Franco ay isang "Lisensiado sa Medicina", na naging guro sa Anatomia at Histologia, Anatomia Descriptiva y Diseccion, pangalawang kurso, sa Unibersidad ng Sto. Tomas - (1880-1881).

14Si Dandoy ay dili iba kundi si Leandro Lopez, kapatid ni Antonino Lopez na kanyang bayaw.

15 Dito natapos ang putol na sulat na ito ni Rizal.














—221—