Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/245

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


mga monghe noong Edad Medya, apat na nag-aaral ng wikang Latin at limang natatangi, iyon lamang. Ito'y totoong-totoo, at sa kasalukuya'y naririto ang apat nating manananggol, na nagtapos nang may matataas na nota sa "Unibersidad Real y Pontificia" sa Maynila; ang isa sa mga ito'y bantog at kilala sapagka't ginamit ang kanyang pagkamanananggol nang mahabang panahon at namuhay nang alinsunod sa mga makabagong lakad ng panahon; gayunman, sila'y walang iniwan_sa Pitong Nahihimbing dahil sa pagkamatapating loob at pagkahuli at masasabing sila'y mga tagabukid sa isang bulwagan ng sayawan. Kung ito ang siyang nangyayari sa kanila sa Madrid, na hindi naman gaanong natatangi sa kamulatan at karunungan, ano kaya ang magiging palagay sa kanila sa Pransiya, Inglatera at Alemanya, mga bansang ang lahat ng tao'y bumabasa ng mga pahayagan, ang karaniwang tao'y may pinag-aralang hindi naaabot ng mga mahal na tao sa Maynila, ni kahit na sa kalingkingan nila? Kung sasariwain natin sa gunita ang sinabi ko sa inyo tungkol sa babaing pinangaserahan ko sa Paris, iyong si Ginang Lejardine11 na may kabilugan at katabaan, at ang asawa niyang lalaki na nakaaalam na mabuti ng kasaysayang pangkalahatan, lalo na ng kasaysayan ng sariling bayan niya, heograpiya, matematika, at nagsasalita't sumusulat nang matuwid ng kanyang wika, ilan sa mga dakilang maginoong humahawak ng matataas na tungkulin ang makapagsasabing sila ma'y nakaaalam din ng gayon? At tiniyak nila sa aking nakahihigit pa raw ang mga Aleman at gayon din naman ang mga Ingles. Kaya, kapag sinasabi namin dito sa isang di-kilala kung ipinakikilala ang isang kaibigan na: "Ang ginoo ay isang manananggol, naging hukom, notar yo, at maraming iba pa", ay natitigilan sila at tinititigan ka ming may pagtataka, at itinatanong kung paano maaaring tumibok ang mga batas at magkaroon ng buhay ang katarungan sa ilalim ng gayong nakasisindak na kalagayan. At hindi na tayo pakalalayo pa, sa ating mga kababayan ay inaarı akong isa na sa lalong palaaral at may malaking kakayahan: data puwa't kung ihahambing ko ang aking sarili sa maraming bina tang nakilala ko sa iba't ibang bansa, ay ipinagtatapat kong napapansin ko ang sariling nasa isang baytang na napakababa, at dito'y aking nahuhulo na upang ako'y makapantay nila, ay nangangailangan ako ng maraming taong pag-aaral, malaking kabutihang palad at lalo pang malaking kakayahan, at gayun
_____________________

11 Ang kaserang pransesa ni Rizal sa loob ng panahon ng kanyang pamamahinga sa París nang 1883 ay siya niyang tinutukoy dito.


—219—