salaping nilulustay sa isang kapistahan ay ginagamit sa mga
bagay na kinakailangan ng taong bayan ay mapapakinabangan
sana iyon nang malaki.
Sa panghahawak sa salita mo'y naniniwala akong mabuti ang kura riyan,7 at binabati ko siya buhat dito datapuwa't may isang kaisipang sumusurot sa akin. Kung ang mga babae sa Kalamba, na may isang kurang hindi bulag ang pananampalataya, ay totoong mahiligin, sa sariling kaibigan nila, sa mga kandila at mga larawan, ano kaya ang mangyayari sa kanila kapag napariyan ang isang kurang hindi matatawaran ang pagkabulag ng pananampalataya at mapagsamantala, na magiging parang isang gabing makapagpapabigat sa kanilang budhi, at titiris sa kanila na parang isang hapitan? Sasang-ayon ka kung ang mga lalaki man diyan ay bahagya ang pagkakamulat, gayunma'y higit na mabuti sila kaysa mga babae na ang kinikilusan at pinamumuhayan ay ang kapaligirang iyang nahahangganan ng kumpisalan at sakristiya at nakahihila sa malaking pagkakamali.
Sa kasalukuyan ay may dalawang Pilipino rito, sina Ginoong Andres at Arcadio del Rosario,8 na kabilang sa salin ng lahing namamaalam na, datapuwa't mapawi man ang salitang ito ng lahi, ay naniniwala akong nababanaagan na nila kahit man lamang ang malalamlam na liwanag na nagsisimulang sumikat.9 Si Don Andres ay kausap ko noong isang araw at hindi na niya pinanindigan, gaya noong una, ang ilang simulain; hindi na niya tinatanggap ang ilang ipinangangalandakang nangyari, at sa isang handaan ay ipinahayag niyang siya'y nasa panig ng mga kabataan, at nagtalumpati pa ng papuri sa mga ito.
Pinasasakitan kaming lubha ng malamig na panahon dito,
datapuwa't wala pa akong alipunga, bagay na ipinagtataka ko,
sa dahilang lalong malamig ngayon kaysa noong mga nakaraang taon. Nagkaroon at mayroon pang mga lindol dito, datapuwa't bagaman ang mga ito'y mahihina kung ihahalintulad sa
mga lindol sa atin, ay nakahihigit naman sila sa mga kasiraang ibinubunga, sapagka't10
kumbento ng
_____________________
7 Sa pagkamatay ng kura ng Kalamba na si P. Leoncio Lopez, ay humalili sa kanya ang isang paring nagngangalang Gabino de los Reyes, na hindi bulag ang pananampalataya.
8 Sina GG. Andres at Arcadio del Rosario ay kabilang sa mga tanyag at kilalang angkang mayayaman sa Maynila.
9 Ipinahihiwatig dito ni Rizal na ayon sa kanyang pagkakamalas sa dalawang Del Rosariong nasabi, ang unang salin ng tao'y unti-unting nagbabago ng kaugalian at ng kanilang inaangking isipan.
10 Maaaring dito'y may kakulangang ilang salita na pumapawi ng kahulugan ng mga kasunod na talataan.