isang walang kasalanan, sa dahilang ang mga sinawi ng may masamang nilalayon sa pamamagitan ng paggunita sa kanila
at pumapatay sa habang panahon sa mga maykapangyarihang lalong malalakas.3 Kung hindi kayo magpapasiya ng ibang bagay, halimbawa, na ako'y tumungo sa Inglatera at tumigil doon ng ilang buwan upang mag-aral ng pagsasanay sa mga ma
kina (3 buwan), sa Alemanya (upang mag-aral ng medisina at
agham), at ang pensiyon ko rin ngayon, sakaling ito'y hindi
maaaring maragdagan, ay uuwi na ako upang matamasa ko ang
kaligayahang sumainyong piling at huwag nang mawalay uli.
Kahit na magiging kapaki-pakinabang ang pagparoon ko sa
ibang bansa, iyon marahil ay hindi gaanong napakalaki na sukat maging sapat na gantimpala sa mga pagpapakasakit na ginawa ninyo alang-alang sa akin. Masagana sa mga kaisipang
ito ang aking mga nakaraang liham at kinakailangan ko ang
inyong tugon.
Nabanggit mo sa akin ang tungkol sa sunog diyan sa bahay.4 Ang pagdidili-dili sa apoy na ito na maaaring maipaliwanag ng kuwitis,5 ay umakay sa akin sa isang kaisipang napakalayo at ito'y dili iba kundi inaakala kong nararapat nating sikaping mabagong unti-unti ang ating mga pinagkaugalian upang maging lalong kapaki-pakinabang. Ikaw, halimbawa, sapagka't ikaw ay pinakukundunganan ng mga taong bayan diyan, ay siyang maaaring manguna sa pagpapahiwatig nang buong tapang na ihinto na ang mga pagpipista't iba pang bagay na hindi nagbubunga ng madaliang pakinabang, gaya ng mga misa de grasiya at marami pang ibang bagay na may gayong uri. Ang salaping napapasok sa ilang kaban6 hindi na muling nagpapaikit-ikit at ang salaping hindi nagpapaikit-ikit ay nakapagbubunga ng karalitaan ng bayan. Tangi sa rito, namamalas nating tayo'y sinisipsip diyan sa lahat ng paraan at ito'y kailangan nating panghinawaan. Naiisip ko kung ang
- 3 Ang mga sinawi ng may masamang nilalayon sa pamamagitan ng paggunita sa kanila at pumapatay sa habang panahon sa mga maykapangyarihang lalong malalakas—At ano? Hindi ba namalas sa kasaysayan ng Pilipinas ang naging bunga ng pagkakapatay kay Rizal?
- 4 Ang sunog na tinutukoy rito ay ang simula ng sunog na nangyari nang Setyembre ng taong 1884, sa paminggalan ng bahay ng mga kaanak ni Rizal sa Kalamba, na sa kabutihang palad ay nasugpo rin. Ang sunog na ito ang ibinalita ni Paciano sa kanyang sulat noong ika-5 ng Nobyembre, bagay na nagpapakilalang ang sulat na ito ni Rizal ay siyang kasagutan sa liham ng kanyang kapatid na lalaki.
- 5 Maipaliwanag ng kuwitis—Tumutukoy sa pangyayaring ang sunog ay gawa ng isang "pailaw" o "luz de bengala" na iniingatan sa paminggalan, at dahil sa pag-iinit ay nagningas nang nag-iisa.
- 6 Ang salaping napapasok sa ilang kaban—Ito'y tumutukoy sa salaping nagugugol sa mga pagpipista na humahangga sa pagdaralita ng bayan.