Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/240

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


ang mga gawi niya'y hindi pa nababago, ay ikinatatakot kong lubha ang balat ng batang iyan; kay daming kurot ang tatanggapin niya sa kanyang ina. 12

Isinulat din sa akin, bagaman hindi ko natitiyak ang pagkatotoo ng balita, na si Jose raw, na anak ni Marianito, at si Angelica, ay namatay; 13 ito'y lubhang kahinainayang at dinaramdaman ko sa kaibuturan ng aking puso.

Ninanais kong ako'y inyong sagutin kahit maikli lamang, upang maiayon ko ang aking binabalak na gawin sa anumang ipasisiya ninyo.

Nalimutan kong idugtong na sa dahilang hindi ninyo ipinadadala sa akin ang gugulin para sa tatlong buwan ng Oktubre, Nobyembre at Disyembre, ay isang kaibigan ko ang tumutulong sa akin sa buong panahong ito, hindi lamang upang makapagmatrikula, kundi upang makabayad sa bahay at pagkain, sapagka't sa halagang 50 piso isang buwan hindi makagagawa ang isang tao ng maraming himala sa Madrid. Pasasalamatan ko kayo, samakatuwid, sakaling ako'y dapat umuwi, na ipadala ninyo sa akin ang halagang iyon upang maalpasan ko ang aking mga pagkakautang sa mabuting kaibigang ito, at nang huwag siyang magkaroon ng anumang pagkakataong makapagsabi ng anuman. Sa ilang pagkakataon ay natulungan ko siya at ang mga ito'y tinatanaw niyang malaking utang na loob, kaya umaagap tuwing ako'y kinakapos. Yamang sa Europa ay kinakailangang nakabihis sa buong mag hapon sapul sa paggising hanggang matulog, yamang makakapal at sapin-saping mga damit ang kinakailangang isuot dahil sa ito ang hinihingi ng lamig, ay kinakailangang kami'y mag patahi ng damit taun-taon at tuwing magbabago ang panahon. Dito'y walang ginagawang anuman alang alang sa pagkaka wanggawa o sa pagnanais na makatulong; kinakailangang bayaran ang lahat. May isang kuwento rito tungkol sa isang ginoong nakatagpo ng isang hapung-hapong Galyego na hindi makalakad ni makahakbang man lamang; ito'y kinahabagan niya, at inanyayahang umangkas sa kanyang kabayo. Ang Galyego ay napahinuhod at pagkaraan ng ilang saglit ay sinabi niya sa butihing ginoo: Señorito cuantu vuy gandudu.
_____________________

13 Tinutukoy ang ugali ni Olimpia sa lagi nang pangungurot.

14 Walang katotohanan ang sinasabing pagkamatay ni Jose, na anak ni Lucia, at ni Angelica na anak ni Narcisa.


—214—