Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/239

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


ang iyo'y isang hatol na kamatayan sa mga Pilipino.6 Hindi na maaaring maging lalo pang mabubuting kamay ang ating kalagpakan. Kung si Sagasta o ibang lapian, huwag lamang ang la piang ito, ang maakyat sa kapangyarihan, isang lapiang hindi gaanong narimlan ng isip at hindi gaanong mangmang, marahil ay malulunasan nang bahagya ang kasamaang ito. Kung tayo'y may mga kinatawan, pahayagan o mga kagawad na Pilipino sa Sanggunian ng Pilipinas,7 ay maaaring makapagtamo tayo kahit maliit na bagay, at nahadlangan man lamang sana nila ang mga walang-pakundangang hakbang ng Kagawad-bansa ng mga Bayang Sakop sa Kabilang Ibayo ng Dagat, na si Gi noong Tejada de Valderosa.

Ipakisabi ninyo sa kapatid kong si Narcisa na ang kanyang kaibigang si Maria Lecaroz8 ay nag-asawa na sa Patnugot ng mga Kawanggawa, si Ginoong Ordoñez, at sa Madrid sila naninirahan ngayon. Sinasabing si Maria Lecaroz daw ay nagsasalita ng Pransés, Inglés, Alemán at Italyano. Namumuhay siya ayon sa paraang makabago.

Salamat sa Diyos at ako'y mabuti naman at ninanais kong kayo rin sana ay gaya ko o mabuti pa kaysa akin. Sang-ayon sa isang sulat na tinanggap ko noong buwan ng Hunyo,9 ang kapatid kong si Olimpia ay buntis noon. Inaakala kong ngayon ay nanganak na siya. 10 Kung hindi ako nagkakamali, ito ang panganay niya o ang ikalawa;11 totoong kakaunti ang na- babalitaan ko tungkol sa nangyayari riyan at inaasahan kong ito'y hindi niya ipagtataka o isasama ng loob na hindi ko man lamang nalalaman kung siya'y isa nang ina o hindi pa. Kung
_____________________

6 Tinutukoy ang kasunduan tungkol sa pagpapasok ng asukal ng Kuba sa Estados Unidos, kasunduang gumising ng pag-iimbot ng Inglatera, na ibig din namang magkaroon ng gayong kasunduan, bagay na makapipinsala nang malaki sa pagluluwas ng asukal ng Pilipinas.

7 Ang Sanggunian sa Pilipinas ay isang lupong itinatag upang mag-aral at magpayo hinggil sa mga suliranin ng Pilipinas, na binubuo ng Ministro ng Ultramar bilang Pangulo, isang Pangalawang Pangulo, labindalawang ka sangguni, na pawang kastila at isang kalihim. Ang Pangalawang Pangulo ng Sanggunian, nang nasa-Madrid si Rizal, ay si G. Pablo Ortiga y Rey, isang magiliwin at mahilig sa mga pilipino, at sa kanyang bahay ay lagi nang nag pupulong ang mga pilipinong nasa-Madrid. Sa talaan ng mga alaala ng kanyang anak na si Consuelo, ay ipinahihiwatig nito ang pag-ibig niya kay Rizal.

8 Si Maria Lecaroz ay buhat sa angkang kastila, na nakasama ni Narcisa Rizal sa Kolehiyo ng "La Concordia", at naging matalik na kaibigan nito.

9 Ang sulat na tinutukoy ay hindi makita, ni sa mga sulat na nalathala na, ni sa ibang, hindi pa nailalathala.

10 Hindi pa, sapagka't si Olimpia ay nanganak nang buwan ng Nobyembre.

11 Ang pangalawang anak ni Olimpia ay si Cesáreo. Tinutukoy ni Rizal ang kawalan ng balitang dapat niyang tanggapin tungkol sa kanyang kapatid na si Olimpia, palibhasa'y ito, sapul nang mag-asawa ay palipat-lipat ng pagtira sa iba't ibang lalawigan, sanhi sa gawain ng kanyang kabiyak, na siyang pumipilit sa kanyang tumira nang malayo sa piling ng kanyang mga magulang at mga kapatid.


—213—