Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/237

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


62 Buhat kay Rizal para sa kanyang
mga magulang at mga kapatid




Pizarro 13-2 kanan, Madrid
Ika-17 ng Disyembre, 1884


MINAMAHAL KONG MGA MAGULANG AT MGA KAPATID:


Bagaman ang lalong pinakamahalagang sasabihin ko sa inyo, na dili iba kundi ang pag-uwi ko sa Kapuluan, ay nasaad na sa dalawa kong huling liham,1 ay pinadalhan ko pa rin kayo ng ikatlong liham na ito sa pangambang baka ang mga iyon ay nangawaglit dahil sa mga di-pangkaraniwang kalagayan ng pahatiran ng mga sulat diyan, at sa gayo'y hindi ninyo maisaalang-alang ang mga balak ko. Tangi sa rito, sapagka't magtatapos na ang taón at nalalapit na ang maliligayang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon, ay ninanais kong inyong ipagdiwang ang mga ito sa sinapupunan ng angkan, kasama ang lahat ng aking mga kapatid na babae, mga bayaw at mga pamangkin, katulad noong ako'y naririyan pa, at ang pagtiti pong ito'y makapagdudulot ng lahat ng kaligayahang naidudulot ng lalong magara at masaganang hapag ng mga panginoong Ingles. Sinasabing ang kapistahang ito ay siyang lalong mahal sa pusong Ingles, at tinatawag nilang Christmas, kung tama ang pagkakaalaala ko

Napansin ko sa sipi ng kasulatan ng pagkakabinyag sa akin na may isang bagong kura riyan (si Gabino de los Reyes), ewan ko kung siya'y prayle o hindi, datapuwa't kung ang pagbabatayan ng palagay ay ang apelyido, nararapat na siya'y maging Pilipino sapagka't ang apelyidong iyon ay hindi gina gamit dito at wala akong nakikilala ritong nagtataglay ng apelyidong iyon. Kung ang mga pala-palagay ko'y totoo, ay la long mabuti, sa gayo'y magkakaroon ng lalong kaunting dahilan sa mga isasama ng loob.


1 Ang dalawang sulat na binabanggit ay ang mga blg. 27 at 28 ng "Sandaang Sulat" na may mga petsang 16 at 26 ng Nobyembre, 1884.

—211—