Ngayon, ang totoong hinihiling co sayó, anac co, una sa lahat, huwag cang magcuculang sa mañga catunculan nang tunay
na cristiano, na ito minamatamis co pa que sa icao ay dumunong
na lubha, sapagcat ang carunungan, cong minsan siang nagaacay sa atin sa lalong capahamacan. Yto na seguro ang huli
cong sulat sayo, caya tandaan mong mabuti at sia cong totoong
ninanasang lubos.
(Paliwanag.)-Ito'y sipi ng liham ng iyong ina na kinopya ko baka hindi mo mawatasan ang ilang salita sa sulat niya, bagaman hindi rin mahusay ang aking titik ni mabuti ang pagkakasulat. Sa malaking bahagi ng sulat ay hindi ko mapagsiyang mabuti ang mga salita at hindi ko rin maunawaan ang ibig sabihin.
Ginoong Jose Rizal at Mercado.
Liham ng iyong mahal na inang si Ginang Teodora
Alonzo.