kanyang anak na si Rizal
puso ng alapaap," anang ina; "huwag kang magkukulang sa
katungkulan ng tunay na kristiyano; ang karunungan,
kung minsan, ay siyang nakaaakay sa kapa-
Ika-11 ng Disyembre, 1884.
GINOONG JOSE RIZAL.
MINAMAHAL KONG ANAK:
Narito aco at si María dito sa bajay na ating minumutiá, at sia ang tumitiñgin cong gumuguhit ang aquing pluma dala nang cahirapan nang aking matá.
Binasa sa aquin nang tío Antonio ang dalawa mong sulat sa cania, at natantu co na icao ay naghihinanaquit sa dimo pag tangap nang sulat namin. Huwag mo na sana cami paghanapan na icao ay mapagsulatan, tantu mo na ang dalita co sa bagay na ito.
Hindi mo lamang nalalamang ang luncot na dinadamdam co sa tuing marinig sa bibig nang aquing mañga nacacausap tuncol sa yó, cayá ang bilin co sa yo ulit-ulit na icao huag maquialam sa mañga bagay na macapagbibigay sa aquing puso nang alapaap. Bueno, icao na ang bahalang maaua sa aquin.
Caming lahat natua nang labis sa quinamtan mong licenciatura, at tuloy aquing pinasalamatan sa pañginoong Dios na binahaguinan ca nang isip na sa iba ay higuit.
Noon pa sanay quitay susulatan, datapuay sa caramihan nang aming gaua o abala sa mañga batang nagcasaquit at tuloy nañgamatay na mañga pamanquin mo, na isinulat na sayo nang tía Betang mo.