ipinagngitngit ng mga propesor at ikinapoot nang malaki ng
mga nag-aaral. Nang araw na ito, sa dahilang lagi akong sinusubaybayan ng tingin ng mga alagad ng batas, 23 at hindi ko
malaman kung bakit, ay makaitlo akong magbalatkayo. Walang pumasok sa klase. Lalo pang maraming bigwas, sugatan,
at iba pa. Higit sa 80 tanod ang tumigil sa Pamantasan, sa
itaas at ibaba; ang kanilang mga baril at trompeta ay nasa
bulwagan ng panayam. Ang pasyalang Del Pardo ay puno ng
mga kawal na nakakabayo, mga kanyon at iba pang mga kawal.
Sa gayon, nang araw ring iyo'y isinumpa naming hindi na kami
babalik sa Pamantasang nawalan ng karangalan, dahil sa ang
kanyang Rektor ay pumipilit, sa pamamagitan ng lakas, na siya'y
sundin, nagbabala, at nakikitungo sa amin na para bagang kami'y mga taong walang dangal; at isinumpa naming hindi babalik habang hindi kami binibigyan ng ganap na kasiyahan,
at ibalik ang dating Rektor sa kanyang katungkulan, alisin si
Creus, na isang kahihiyan sa mga manggagamot na nagbabalak
magtiwalag sa kanya sa Surian, sapagka't nagkulang siya sa
kanyang karangalan at kaselanan sa pagtanggap ng isang tungkuling iniwan ng ibang may malaking karangalan at kaselanan. Ang Rektor na ito, upang maiwasan ang mga
paswit at mga paghamak ng mga nag-aaral, ay lumalabas at pumapasok sa Pamantasan na ang daan ay sa isang
lihim na pintong nasa-halamanan. Ang lahat ng mga pahayagan sa Madrid at sa mga lalawigan, tangi yaong sa Kagawarang-bansa, ay kampi sa amin, at mahayap na sinusumbatan
ang Pamahalaan; ang mga taong bayan ay kakampi rin namin, at ang mga nag-aaral sa mga lalawigan ay nakiisa sa
amin. 24 May isang mayamang bangkerong nag-alok sa dating
Rektor ng sampung libong duro upang gamitin sa pansaman
talang pagpapalaya sa mga nabibilanggong nag-aaral; ang ama
ng isang bata ay nagbigay ng 50 piso upang gugulin sa pagsusuplong; ang pamahalaan na rin ng lungsod at ang lahat
_____________________
23 Lagi akong sinusubaybayan ng tingin-Kaya gayon marahil ay sapagka't nakatawag ng kalooban si Rizal dahil sa kanyang talumpati sa piging na inihandog sa karangalan ng mga pintor na sina Juan Luna at Resurreccion Hidalgo, talumpating tinukoy at inilathala ng mga pahayagan sa Madrid.
24 Ang pamahayag na binalak ng mga nag aaral ng Deretso ay naging isang pangkalahatang aklasan ng lahat ng estudyante sa Unibersidad Central sa Madrid, aklasang pinakiisahan naman ng mga nagsisipag-aral sa mga Unibersidad ng Sevilla, Barselona, Granada, Valladolid, Oviedo, Zaragoza at Va lencia, gayundin naman ng mga paaralang pansarili. Pagkatapos ay nagsirating ang mga pahatid ng pakikiisa't pagkagiliw at pagkatig ng mga nagsisipagaral sa iba't ibang Unibersidad sa Europa, gaya ng sa Olanda, Roma, Pisa, Viena, Paris, Lisbao, Coimbra, at sa iba't ibang bayan at siyudad ng Alemanya, bukod pa sa mga binabanggit ni Rizal sa kanyang sulat na sumusunod.