hintulutan kaming lumabas nang isa-isa sa pagitan ng dalawang hanay ng mga pulis; ang Pamantasan ay ipininid, at kinahapunan, ang lahat ng lansangan at mga lusutan ay tinanuran ng maraming pulis at guwardiya sibil; hindi kukulangin
sa pito o walo ang nasa-bawa't panulukulan ng daan. Nang
araw ring iyon ay nagkaroon din ng maraming sagupaan sa
Dalubhasaan ng Medisina, maraming nasugatan, at sa mga
ito'y apat o lima ang talagang malubha, 19 at isang propesor ang
dinakip.21 Kinagabihan ay tahimik na tahimik ang Madrid
at parang walang tao: nangangambang baka magkaroon ng isang
panghihimagsik. Ang mga bilangguan ay napuno ng mga nagaaral, at ang mga pagamutan ay ng mga sugatan. Nagngingitngit ang mga taong bayan. Ang Rektor, na minamahal nang
gayon na lamang ng maraming tao, ay buong tapang na tumutol at nagbitiw ng tungkulin, datapuwa't ang Kagawad-bansa ng Pagpapaunlad ay humirang, bilang isang pagwawastong
nakapagngingitngit, na kahalili niyon, ng isang baguhan
(Creus),21 na kinamumuhian ng balana, at walang sinumang
nalulugod. Kinabukasan nang ang bagong Rektor ay magsisimula na ng panunungkulan ay patuloy na nagngingitngit pa
ang mga kalooban at namamalas pa ang dugo; kaya binalak na
huwag bumalik sa mga klase hanggang hindi kami binibigyan
ng kasiyahan at inaalis ang Rektor. Paulit-ulit na isinisigaw
ang "mamatay si Creus". Ako'y naroroon din. Sa araw na ito'y
nagkaroon ng mga bagong pagsasagupaan, mga bagong paglalabanan, mga nasugatan, mga paghambalos ng tungkod, pagbibilanggo, at maraming iba pa. Nang araw ding ito, ika-21 kaming dalawa ni Ventura'y pinagtangkaang dakpin ng isang tinyente ng pulis at isang tiktik, datapuwa't kami'y nakatalilis. Dalawang Pilipino ang ibinilanggo.22
Nang ikatlong araw, Sabado, ika-22, tinawag ng bagong
Rektor ang mga pulis upang mamusisyon sa Pamantasan. Ito'y
_____________________
19 Ang mga guwardiya sibil, sa ilalim ng pamumuno ni Koronel Oliver ay nanakit at nanugat sa pamamagitan ng kanilang mga sable sa mga nag-aaral, pati na sa mga bata. Ang mga propesor na sinaktan ay sina G. Vicente Lafuente, Andres Mellado, si G. Gomez, G. Garagarze, ang Markes ng Badillo, at si G. Tomas Aguilar.
20 Si G. San Martin, Propesor sa Medisina, na bukod sa sinaktan ay dinala pa sa bilangguan.
21 Si G. Creus, na isang pusakal na katóliko na, bagaman may sapat na karilagan ay marami namang nagagalit bukod sa lubhang bulag sa pananampalataya, isang medikong ayon sa sabi, at dahil nga sa kanyang kabulagang pananampalataya, "ay nagbalak na gamutin ang obispo sa Madrid, na sinugatan ng kura Caleote, sa pamamagitan ng langis sa lampara ng malaking dambana ng simbahan ng San Isidro, sa paniniwalang ang langis na iyon ay may tanging bisa".
22 Hindi namin malaman kung sinu-sino ang dalawang pilipinong iyong ibinilanggo.