Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/231

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito



pinagpahayagan niya ng kalayaan ng agham at ng guro; ang aral na ito'y pinarusahan ng ekskomunyon ng mga obispo at nagkaroon pa ng isang nag-aaral na nagtangkang sumunod sa ekskomunyon ng mga obispo; 12 sa gayon, ang mga nag-aaral na may malayang pagkukuro ay gumawa ng isang pamamahayag laban sa ekskomunyon¹³ at sa dahilang ang nakararami ay ang mga may malayang pagkukuro ay maraming lumahok sa pamamahayag. Habang sila'y lumilibot sa mga lansangan ay nagsisigawan ng "mabuhay" at "mamatay ang mga obispo at ito'y naging sapat na dahilan upang ang mga nagaaral ay tugisin ng mga pulis; may mga nasugatan at mga ibinilanggo. Kinabukasan, ang mga nag-aaral ay lalong nagngalit at nangagkaisa ang mga nag-aaral sa medisina, batas, at pilosopiya at letras, at mga iba pa.15 Noon ginawa ng mga pulis, sa utos ng Gobernador, 16 ang isang makahayop na paglapastangang walang makakapantay sa kasaysayan ng alin mang bansa: nilooban ang Pamantasan ng 200 pulis, na may sable at rebolber sa kamay, at hindi nila pinakundanganan ang Rektor na sumasansala sa kanila. Maraming nasugatan, ang dugo'y dumanak sa hagdanan at lagusan ng Pamantasan, pinagbuhatan ng kamay ang Rektor," dinakip ang Kalihim,18 hinamak ang mga propesor, at sinugatan ang mga batang maliliit, at nagkaroon ng putukan. Ako noo'y nasa-Pamantasan, datapuwa't nasa-loob ng silid-aralan. Nang ako'y lumabas, ang pangyayari'y nagkaroon na ng ibang hugis. Ito'y nangyari noong ika20 ng Nobyembre, ika-12 ganap ng tanghali. Pagkatapos ng mga pangyayaring humigit kumulang ay malinggal, ay pina-
_____________________

12 Si G. Morayta ay ineskumulga dahil sa kanyang talumpating sinasabing puno ng mga kurong labag sa mga tuntunin ng simbahan at puno ng mga kamalian. Ang unang obispong lumagda ng eskomunyon ay ang obispo ng Avila, na sinundan pagkatapos ng "Vicario capitular" ng Toledo, at pagkatapos ay ng mga obispo Orense nang Disyembre 9, ng Urgell nang Disyembre 10; ng Terazona ng Disyembre 12, gayundin ng obispo ng Vich. Hindi pa sapat ito, pag katapos ng limang buwan o kaya'y nang ika-31 ng Marso, 1885, ay inilagda naman ng obispo ng Osma ang isang ekskomunyon na umano'y siyang la ong mahayap at mabagsik, mapangahas at napakasagwa. Ang mga ekskomunyong ito'y umaabot sa apatnapung lahat.

13 Pamahayag na pinangunahan ni G. Manuel Ortiz de Pinedo at ni G. Manuel Labra, kapwa mga estudyante pa.

14 Mangilan-ngilang nag-aaral ang nang una'y mga kalaban ng talumpati ni Dr. Morayta, nguni't pagkatapos ay nagsiurong sa lakas ng napakaraming nagsikatig sa nabanggit na propesor.

15 Tumagal ng maraming araw ang kaguluhang itong natapos sa pag-aaklas, na ang naging bunga'y ang pagmamalupit sa mga estudyante, na pinagsasaktan at sinugatan ng mga alagad ng kaayusan, at marami pa sa kanila ang ibinilanggo.

16 Ang Gobernador Sibil sa Madrid ay si G. Raymundo Fernandez Villa-verde.

17 Ang Rektor ng Unibersidad ay si G. Francisco de la Pisa Pajares, na kumatig at nakiisa kay Dr. Morayta.

18 Ang Kalihim na dinakip ay si G. Leopoldo Solier.


—205—