bagay-bagay ay mananatiling gaya ngayon. Sa pagtaya kong
masusi ng mga kabagayang ito, ay ninanais ko nang bumalik
sa aking bayan sa lalong madaling panahon upang maiwasan
ang marami pang pagpapakasakit ng ating kaanak na hindi
naman mayaman, mga pagpapakasakit na kung bagaman noong una’y inyong tinanggap ay sapagka’t nakangiti sa atin noon
ang kinabukasan, datapuwa't ngayong nagbago ang mga pangyayari, ay inaakala kong tungkulin ko nang umuwi at magsikap,
sa pamamagitan ng paggawa't pagtitipid, na makatulong sa
buong makakaya ko sa ating kabuhayan at pamumuhay. Ina
akala kong sapat na ang napag-aralan ko upang mabuhay sa
isang bayang gaya ng Kalamba, at natitiyak kong hindi na
ako maibibilang sa lalong pangal ang isip. Ang mga mithiin
ko’y walang pagsalang naging napakatataas at nakabibighani
nang gayon na lamang, datapuwa’t higit pa sa mithiing iyo'y
mga pangarap ng aking kabataan, at ang pagsasa-gawa ng mga iyon ay magiging isang kabaliwan kundi man isang kapula-
pulang labis na pag-ibig sa sarili. Sa katotohanan ay hindi
ko inakala kailanman na ako’y walang kakayahan sa pagsasa-
gawa ng ganito o gayong kaisipan o gawain, at nananalig ako
nang gayon na lamang sa mga kakayahang ipinagkaloob sa
akin ng kalikasan, datapuwa’t ito’y hindi isang gawaing . . . 6
6 Ang sulat na ito’y wala ring katapusan ni lagda.