Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/222

Mula Wikisource
Nabasa at naiwasto na ang pahinang ito


58. Buhat kay Paciano para sa kanyang
kapatid na si Rizal




Mababa ang halaga ng asukal. Ang talumpati ni Rizal ay nagbunga ng

maraming kaaway. Hindi nararapat na siya'y bumalik sa
Pilipinas. Mga kapahamakan. Hinihingi ni Rizal

na siya'y patunguhin sa Alemanya.
Kalamba, Laguna
Ika-5 ng Nobyembre, 1884

GINOONG JOSE RIZAL.

MINAMAHAL KONG KAPATID:


Inaakala kong naghihinanakit ka sa amin sa dahilang hindi ka nakakatanggap ng mga sulat na galing dito at dahil sa pagkabalam ng pagpapadala sa iyo ng pensiyon. Ikaw ay may lubos na matuwid palibhasa'y hindi mo nalalaman ang aming pinagdaraanan. Akalain mong dahil sa kababaan ng halaga ng asukal ay nangalugi kami ng higit sa tatlong libo sa puhunan, at nagkautang ng apat na libo dahil sa bagong makina; buhat nang buwan ng Hunyo hanggang ngayon ay wala kami, kung minsan, kahit na isang peseta, idagdag mo rito ang pagkakasakit ng ating ina, na sa simula'y inakala kong isang di-pagkatunaw lamang ng pagkain kaya siya'y binigyan ko ng isang pamurga sa pag-asang ang gamot na ito'y makapagpapagaling na sa kanya, datapuwa't hindi ganito ang nangyari bagkus nagpatuloy siya sa pagkakahiga, nanghihina at hindi makakain o mapagkatulog; pagkatapos ng isang linggo ay namayat siya. Ako'y nababahala nang gayon na lamang sa kanyang kalusugan,nang mapansin kong siya'y manaka-nakang nagbubuntung-hininga, at sa gayon ay inakala kong yaon ay higit na karamdaman ng kalooban kaysa sakit ng katawan; dahil dito'y sinabi ko kay Niyora Neneng na dalhin ang Nanay sa bahay na

—196—