Tobinong ipakita rin nito ang kanyang kalupi; inilabas ng napakahangal na ito ang kanyang 750 piso na siya na lamang natitira. Inilagay ng Kastila sa kanyang sariling kalupi ang mga
papel de bangko ni Tobino at pagkatapos ay iniabot niya iyon
kay Tobino upang ito'y huwag manganib. Sinabi ng Ingles na
ibig niyang ipalit ang mga 500 durong ginto na dala niya, ng
mga papel de bangko, at ipinakita sa kanila ang maraming bilot;
hiningi nila ang panyo ni Tobino at inilagay rito ang mga bilot
pati ang kalupi, at ibinigay uli ang mga ito kay Tobino. Sinabi
ng Kastila kay Tobino na siya raw ay pumaroon sa tagapagpalit
ng salapi, habang siya at ang Ingles ay mag-aantay sa kanya sa
isang inuman ng kape, at siya'y hiningan pa nila ng isang duro.
Noong magpapalit na si Tobino ay nakita niyang wala
ang kanyang kalupi, datapuwa't naroroon ang mga bilot, na nang kanyang
buksan ay walang laman kundi mga perdigones at mustasa.
Ngayon, si Tobino'y wala kahit isang pera, lalaboy-laboy sa mga
lansangan ng Madrid, kakatwa ang damit na may malaking bituing pilak at batong huwad sa kurbata at isang kayrel na ginagamit ng mga marino. Ipinayo ko sa kanyang umuwi agad sa
Maynila,4 datapuwa't ayaw siya at nagpupumilit na humanap ng
isang mapapasukang hanapbuhay upang makapaglibang.5
_____________________
4 Ang payong ito ni Rizal ay di-sasalang sa kanyang hangad na maiwasan sa paano mang paraan na malagay sa masamang katayuan ang pilipino at ang Pilipinas sa Espanya.
5 Ang sulat na ito'y walang katapusan at walang lagda, nguni't hindi mapag-aalinlanganang sadyang kay Rizal.