bilang medikong Pilipino sakaling magkadigmaan ang Pransiya
at Prusiya. Hindi dapat ipagmakahiya ng kahit sino
Ika-10 ng Pebrero, 1884
GINOONG JOSE RIZAL.
Hindi ko sana iniisip na sulatan kita buhat nang ikaw ay
pasa Paris, nguni't sa dahilang nakaraan na iyon, at sapagka't
hindi maaaring magsawalang-kibo sa mahabang panahon nang
di mapababayaan ang ilang kapakanan, ay sinusulatan kita uli
ngayon, bagaman hindi na magiging madalas, gaya ng aking
ninanais, sanhi sa karamihan ng hinaharap kong gawain.
Sa mga bagay na sinasabi mo sa iyong mga sulat, ang unang dapat kong sagutin ay ang nauukol sa pag-aaral mo upang magtamo ng katibayan ng pagiging doktor. Gaano ang halagang kinakailangan mo sa bagay na ito? Kailangang tugunin mo ako sa pagbalik ng koreo upang maipadala sa iyo ang halaga para sa kaukulang panahon.
Sa isa mo pang sulat ay sinasabi mong hindi maiiwasan ang pagdirigma ng Pransiya at Prusiya. Sakaling mataon ang pagtatapos mo ng karera sa mga unang yugto ng paglalabanan, at kung totoo ang sinasabing sa larangan ng digmaan ay lalong maraming natututuhan sa pagtistis, ay inaakala kong nararapat kang paroon, kahit na bilang kabalitaan ng isang pahayagang hindi na lumalabas, o kaya'y kahit ka na pumasok sa pangkat ng sanidad at kung maaari'y lalong mabuti sa Estado Mayor; sapagka't hindi kalabisang makaalam ng iba't ibang
bagay at masasabi pa ngang ito'y kailangan; nguni't kinakailangang humarap kang bilang isang Pilipino at hindi bilang isang