Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/211

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito



at labing dalauang rosas. Bagay sá quinuha mong cuarta cay Zamora, ay binayaran ná ni tatáy, pati ng sa Tío Antonio. Quinucumusta cá nilá Ursula at ni Victoria at huag ca rao macalilimot. Tuloy ang hinihinge mong condiman ay ualang mabuti ang pagcacatagalog. Mag utos cá sa iyong capatid ná hindi lumilimot cailan man.

JOSEFA RIZAL
___________________


GINOONG JOSE RIZAL.


MINAMAHAL KONG KAPATID:

Tinangap namin ang sulat mong buan ng Julio; ñg aco'i datnin ng sulat mo'i aco'i may saquit na lagnat, na ang ñgala'y Calentura intermitente, na halos ay limang buana (buan na), acong dumatay sá banig, mag mula ng Abril hangan Agosto, aco'i totoong nalulumbay na bacá tayo'i hindi na mag quiquita, ñg aco'i gumagaling galing ay sumimba cami sa Antipolo, ang casama co'i sina señora Neneng at si cuñado Mameng. Don aco tumaba.

TRINIDAD RIZAL
___________________


GINOONG JOSE RIZAL.


MINAMAHAL KONG KAIBIGAN:

Ypinatatanto co sa iyo na cami ay narito sa iño, at si Dandoy ay maluat ng may saquit, caya sa mañga ninanasa mong marinig si Dandoy na humuni ng Ytaliano at umubó ñg Aleman ay parito ca at ng maquita mo na ang pag ubong ualan catulad, na daig pa ang ubong ibig mong matutu han nia. Ano ba? Sino sino na ba ang pajarita mo? Ysulat mo sa aming cun marami ng canan. . . . Sigurong totoon ma capal ang pajarita mo dian. Ay caauáauá ang dati mong quila lan si Leonor. Cumusta ca na dian at mag utos ng caya.

SOFÍA LÓPEZ
___________________


—185—