Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/210

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito



gayan. At ngayon naman ay casalucuyan na si Dandoy ay nadadatay na sa banig, na mayroon ng mahiguit na isang buan na at ang dinaramdam na saquit ay lagnat, na paris ñg qui Tacio, anac ni Capitan Juan. Sa auá ng P. D. ay ang ating sariling familia ay ualang anomang sacuná na pinag dadaanang mahigpit, na paris na ñga ng sinasabi ng Nanay sa canilang sulat, at ito nga ay dapat nating ipag pasalamat cumapal sa atin ng ualang hangan; sa mga pag cacalingang ito sa atin. Ang Tatay ay sa catandaan na ay manacá nacá, nadaing ng saquit ng catauan, datapua't malacas pa namang cumain. Ang yong capatid na nagmamahal sa yo, at ang mga pamanquin mo ay niyayacap ca mula que Emilio, Angelica, Antonio, Ysabel at Consuelo.

NARCISA RIZAL
___________________


GINOONG JOSE RIZAL.


PINACAMAMAHAL CONG CAPATID:

Huag mong ipaghihinanaquit ang hindi namin pag ganti agad sa iyo, dahilan sa caculañgan ñg maibabalita. Si Manolo ay patai na, at si Loleng ay nacasal na nag (nang) acuatro ng Noviembre at na deposito dine na apat na buan, at si Cirilo ay malubha, si Policarpio nandine rin sa atin ay totoong tamad na mag aral. Bago cona isulat sa iyo ang ibapang ñgiayari que L. Mag utos ca ng sucat macaya nitong iyong capatid na di lumilimot sa iyo bagamat malayo.

MARÍA RIZAL
___________________


GINOONG JOSE RIZAL.


PINACAGUIGUILIO CONG CAPATID:

Bagama't hindi ca namin nasusulatan ng mahabang panahon, ay hindi ca rin nalilimutan at sa tuituinay, icao ang aming na-aalaala nguni't ang aquin lamang na maibabalita sa iyo ay palagui na caming may concierto tuing Lingo, cami nila Chopeng. Marahil ay tatangapin mó sá correong darating ang mga pañong habing Lipa, padala sá iyo ni Catigbac, anim lamang na pañong dilao at ang anim ay na iuan dito sa bahay


—184—